Saturday, July 01, 2006

(O_o) WELCOME to MY BLOG (O_o)

ngayong araw, nagkaroon kami ng streetdance practice sa gym. sabadong-sabado may practice. kasi naman bukas na yun. pagdating ko doon, syempre late ako, 9 kasi ang usapan, 10:30 ako dumating, may bago. bagong kasali sa streetdance. kulang nga naman kasi kami. halos lahat sinabi sa akin na yun nga, may bago. nako naman! bakit? nagpractice kami at ewan ko ba, hindi ko mapigilang tingnana yung babaeng yun. cute kasi siya. hehehe. tinuruan niya rin sila omadto at rosella sa pagtungtong sa mga kawayan. binuhat din namin siya. pagkatapos naman ng practice, umaaligid ako sa kaniya. para bang gusto kong magpakilala. hehehe. parang tanga lang. charie yata yung pangalan niya. tama ba? tinulungan ko siya sa paggawa ng props niya. felling close. nagkakwentuhan naman kami. nagtanong-tanong ako. yun. maraming nakapansin sa akin sa sandaling oras na yun. tae naman. ako na lang palagi! natapos ang araw nang napukpok ko ang aking daliri dahil sa lintik na martilyong yun at hindi lang yan, napaso pa ako ng glue gun!

umuwi ako nang pagod na pagod. kailangan pa naming gumising ng maaga at mag general practice. sige na mga bloggers! next time na lang ulit! (O_o)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home