pagkahimbing-himbing ng tulog ko nang bigla na lang akong ginising ng human alarm clock ko. yung tito ko. madilim-dilim pa nun. eh paano ba naman, 5:15 pa lang. pero mga 5:45 ako bumangon. napuyat kasi ko dahil sa blog na ito. kaadik-adik naman kasi eh. kainis. pero natutuwa ako. halos matulog-tulog ako sa jeep kanina pagpasok. may kaharap pa kong nagyoyosi. parang tanga nga. hithit-buga. basta, alam ko hindi nyo alam kung bait siya nagmukhang tanga.
tae! late na naman ako sa 1st subject ko. ap p naman! dahil lang sa lintik na slide na yan na binili ko kay ate flor na-late ako. at pinagtapon pa ko ng basura ni sir bernard. nakita ko si jonathan, isang christian, nakipagkwentuhan ako tungkol dun sa mga kanong nagpunta sa mga rooms namin. pagbalik ko sa room, pinapasa ni sir yung mga notebooks namin. tae! alaws ako preparation! pero at least nakagawa naman ako ng project ko. di katulad ni jonell, tae, hindi siya gumawa! buong ap wala ang taeng si jonell. nagtaka pa eh noh? tapos napagkwentuhan naman namin i SIYA_ _ _. kasama pala sya nina tin at ghe kahapon! tae talaga! kung di lang sana ko umuwi ng maaga! edi sana....si jose nga pala, reporter siya sa ap. tapos nagulat din ako nung makita ko si khaye na reporter din. tae talaga tong mga to oh. habang nag-eexplain si sir tungkol sa topic namin, ayaw pang pahalata. tinitira niya ako. at lahat ng mga late. si bri nga lumabas pa eh. sumunod din si abs. ewan ko ba. natamaan yata sa mga sinabi ni sir. paano ba naman. ang lakas! may natutunan nga pala kong kasabihan mula kay sir:
"ang lahat ng bagay ay may tamang lugar at panahon"
diba tama naman? naniniwala nga ko dyan eh. eto na, eto na, ang taeng si jonell. anong petsa na sya pumasok. pasok pilot talaga hah! nagkwentuhan kami tungkol sa mga blogs namin. at bumili kami ng shoecovers sa "canteen by the gym". syempre, hindi mawawala ang aking chubby! bumili kong apat. binigay ko yung 1 kay jonell. pinabasa ko din kay jonell yung sinulat ko kagabi. sabi ko sa kanya siya na pmag-type nun sa blog niya. angtagal naman ng religion teacher namin. naningil pa ng contribution para sa room. eh wala na kong piso. so binenta ko yung isa ko pang chubby kay max. oh diba. buy and sell ako. kailangan eh! nilibot namin nina angge at abby ang buong school para maghanap lang ng puting cartolina. wala. kay ate flor lang pala kami makakabili nun. tae talaga. 1st day pa lang ng shoecover ko, eh mukha na syang busabos. tapos na ang religion! pagdating ko sa room, nabasa ko sa board na ako pala ang leader ng display board para sa ip namin! tae! hindi ko man lang alam. tapos iniisip ko kung mga physics ba o wala. biglang lumapit si abby. nagbebenta daw siya ng condo unit. sa bandang ortigas daw. eh kasi daw, kapag nabenta niya yung unit, magkaka-60 thousand daw siya! oh diba, astig! tapos nakita ko si bff, dumayo sa bldg. namin. pinakita ko kay jonell. lipat classroom time na. papuntang physics lab na. nag-stay muna kami sa labas ng lab, habang kumakanta ng superproxy. tapos nakita ko yung t-shirt ni sir paja. astig. green. akala ko magiging masaya physics namin ngayon....eh may mens pala si sir. tae! ang sungit-sungit niya talaga ngaun! ang init ng ulo. both. at sabi pa niya, mataray daw siya. kahit ipagtanong pa daw namin sa mga former students niya. owwwwssss? si sir naman , habang nagdadadada, hindi niya nahahalatang dinodrawing ko na siya. astig. ang nakuha ko lang sa kaniya ay yung trademark nyang noo at few strands of hair sa harap. binigay ko kay jonell. nag-activity sa labas. ginawa na naman kaming mga rizalian daings. at guess what. nananahimik na nga ako, kinagat pa ko ng insekto. eh inimitate ko yung inssekto, lady bag, nakita ko ni sir, sabi niya, "oh, may dancer pala tayo dito". tae talaga. sabi ko sa kaniya ginagaya ko lang yung insektong kumagat sa akin sa leeg. o diba romantic yung insekto. tinanong niya pa ko kung paaano ko daw nalaman na lady yung bug.....pinilosopo ko na lang. heheheh. ok na naman mood niya eh. mas ok na yun.
nat@t@3 talaga ko nung time na yun. tae. tapos kumanta na lang ako para malimutan ko na
nat@t@3 ako. eto yung mga kinanta ko, by parokya ni edgar:
ted hannah
labsung
pangarap ko sa buhay
nagpunta kami sa dance room. naglinis. at nagtungo din sa harap ng fencing room. kinuha lang yung attendance ni maam lising at nagkwento ng kaunti tungkol dun sa street dance namin. meron din namang tungkol kay SIYA_ _ _! nagkatinginan na lang kami ni ghe. naglunch uli kami sa ling table. tae. walang kamatayang footlong ang pinabaon sa akin. bumili kami ng mango juice sa yecs at nat@t@3 pa rin ako! waaaaaaaaaa! nag-cr kami nina jose at quints. dumating si bri at nagkwentuhan lang naman kami sa pinto ng takubets. nasira ang araw ko. paano ba naman. nakita ko si junggay. as usual, nakanguso pa rin. permanent na yata sa kaniya yun. dumayo na naman ang mga wild na mga pilot mates. nagtitinda sila ng pastillas at inalok nila ko. tinanong ko sila kung merong sugarfree na pastillas. pinipilit pa rin nila kong bumili. si jonell, tae, bumili. english time na. "tuwing darating si maam, parang laging may riot", narinig ko yang sinabi ni babes. dumating naman sina ate emma. dapat magshshare ulit siya sa amin kaso dumating na nga si cyclops! brown ang theme niya ngayon! inaantok ako sa english. naidlip ako habang nagbabasa. muntik pa kong makita. tae. buti na lang. ginising ako nina khaye. nagrecite ako, nawala ng konti antok ko. wala rin akong ginawa buong english kundi magvandals sa arm chair ko. alam niyo kung ano? SIYA_ _ _ & VIN! natapos na sa wakas ang english. lipat bldg. na naman. ad chem. wala kasing fone eh, di ko tuloy matext si SIYA_ _ _! kainis. nagkwentuhan ulit kami ni jonell. tungkol kay homer. awts. binasa din ni mhadz yung jock-down ni jonell. dami nga nagkaka-interes sa mga jock-downs namin. ang taba talaga ni khaye. hanep. we woner why....napag-usapan namin SIYA_ _ _.tapos bigla kaming tinawag na anak ni maam cristy. sabi ko opo nay! nagtawanan ba naman sila. naggroupings sa ad chem. at group 1 ako. nag-usap tungkol sa ice cream. natapos at bumalik kami sa room. pagbalik, nakita namin ang powerpuff, sina sir paja(na naka green....sya si buttercup), sir bernard(na hindi nakitrip sa suot.....assuming siya si bubbles) at isang unidentified flying powerpuff(na naka red naman.....siya si blossom). astig! sabi ni jose super friends. tae. ewan ko ba kung may tle o wala. sabi kasi di rm wala daw si sir g eh. pero agrereport daw. yun na nga. nagreport. si dineros nga pala nilalagnat. haaay buhay. virus na kumakalat! sina don2, jane at fame, inaaasar nila ko kay SIYA_ _ _! kinikilig naman ako! si fame naman. nagpapagawa ng blog. eh sabi ko sa kaniya, mag-isip muna siya ng magandang url. inexplain ko naman sa kaniya eh.
uwian na. at laking tuwa ko, nasa round table si SIYA_ _ _! wowowee! talaga naman oh! pinapalapit ako ni angge dun kasi kinakausap niya. ipapakilala siya raw ako ng formal. eh hiyang-hiya ako. tae. wala rin. ok na lang din. umuwi SIYA at nagpaalam sa akin. nung papalayo na SIYA, hiniling ko na kahit isang huling sulyap na lang. maganda pa nun, tumingin nga siya! wow! sarap umibig ng taong kaedad. sabi ko nga kay jonell:
"BIG boys are for the BIG girls"
pumunta kami sa presby. pinakita ko sa kaniya si rea. nag-usap kami. kaadikan na naman ang pinag-usapan namin. nag-sorry din siya dun daw sa ginawa niya. sabi ko naman wala na sa akin yun. tapos nagpaalam na kami. tinanong ko si jonell kung kaselos-selos ba. sabi niya oo naman. at sabi rin niya mas ok pa rin si SIYA. eto kami ngayon. magkatabi sa sn. at nung nagpapalit ako ng mga coins. nakita ko sina bff at homer. akalain mong katapat namin sila ng pwesto. tae.
hindi na ko makapaghintay pumasok bukas at makita SIYA_ _ _! haay nako. kung kailan siya nandyan saka pa ko nauutal! pero bukas, promise, lalakasan ko na loob ko!
tae nga pala ang mga sumasalakay na nilalang sa aming gusali. kung maaari lang talagang burahin sa mapa ng rizl high ang gusali niyo! kilala nito kung sino kayo.
VIVA VIN Y JONELL!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home