lakas ng loob ang nagtulak sa akin para ipublish ang entry na ito. payaso.
07/06/06
10:40 na. kanina nakachat ko si ramon. tinananong ko kung kumusta na sila ni pep girl. kahit alam kong wala na siyang pag-asa dun sa girl. paanon ba naman kasi, pinabasa niya sa akin yung sulat nung girl sa kaniya. pahiwatig na hindi pwedeng manligaw si ramon sa kaniya. in short, hindi sila pwede. kesyo daw kasing edad lang ni girl ang kapatid na babae ni ramon. isa pa, wala daw siyang time dahil sa mga gawain sa pep nila. meron pa palang isa, aayaw niya lang daw na umasa si ramon at ayaw niyang balang-araw ay masaktan ang isa sa kanila. kagagalong lang daw niya dyan. tinago ko pa rin kay ramon ang balak ko noon. nung sinabi ko kay ramon na mukhang malabo na siya kay girl, sumagot siya ,"kawalan niya yun, marami pang babae diyan." "akala ko pa naman seryoso ka na ngayon", sabi ko. "seryoso? kailan nangyari yun?" sabi ko makakarma din siya. parang napakasama ng tama sa akin ng mga sinabi niya. mga linya nga naman ng mga ayaw amining busted oh! laking panghihinayang ko talaga. pgkabasa ko dun sa sulat, napatahimik na lang ako. gusto ko ngang ipabasa kay jonell kaso mukhang kong tanga kapag ginawa ko yun. nakwento ko na rin kasi sa kaniya yun eh. sayang talaga. pero ayos na rin kung iisipin. walang mangyayari kay pep girl. mas gusto ko na rin yun. at higit sa lahat, mas palagay ako kay SIYA_ _ _. ika ko nga kay khaye, gusto ko lang ngayon ng babaeng seseryosohin ko. gusto ko lang din ng may inaasikaso at may umaasikaso sa akin. ngayon pa at sinasali ako ni maam arc sa folkloric. sana nga mapalapit ako sa kaniya. eto na naman ako. baliw. wala na naman akong iniisip. nawiwindang na yata ako ika nga ni jonell. hindi ko naman pinapangarap na maging kami. napag-isip-isip ko iyan nung malaman kong christian siya. mayroon lang talaga sa kaniya na interesado ako. isa o ilang bagay na hindi ko pa lubos maisip kung ano. iyon yung nagtulak sa akin para harapin ang hamong ito.
ibang-iba talaga ang pinaalam ko sa mga tao ngayong araw na ito. ng lam nila, napakawalang-buhay ng araw na ito para sa akin. pero ang totoo, msayado akong naliwanagan sa mga bagay-bagay. nariyan yung nanghinayang ako, natuwa at mg-isip pra sa hinaharap.
ito yung klase ng entry na hindi dapat ilagay sa sarili kong blog. ayokong mabuay sa pagbabalat-kayo. ayoko nang mdagdagan ang mga taong nagsasabing ng gulo-gulo ng pag-iisip ko. hintayin na lang natin ulit na sumilip ang araw sa pagitan ng mga ulap. na muli nating msasabi sa sarili natin na sumikat lang siya para sa atin. wmasa pa rin tayo sa mga bagay na maaaring sumira sa araw natin. at pilitin na rin nating magpakatotoo sa lahat ng oras at huwag gumaya sa mga taong nagkukubli sa ilang saglit sa kanilang buhay para lamang ipakitang iba sila.
payaso.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home