Thursday, July 06, 2006

Unexpected Things Really Ruin Your Whole Day.

maganda ang gising ko ngayon. di ko inakalang kabaligtarang araw pala ang mararanasan ko.
6:15 ako nakaalis sa bahay. ok naman yung byahe ko ngayon.kasabay ko yung isa kong kbarkada pumasok. 4th year din sya. ayos na sana kaso natulog na naman ako sa jeep. tae. pagbaba ko ng jeep sa 7-eleven, naglakad kami kasi hanggang doon lang ang byaheng quiapo. umaambon pa nun. pinauna ko na siyang pumasok kasi bibili pa kong manila paper para sa report ko sa mapeh. bumili din ako ng 2 cool chews. padating ko sa room, nagbihis agad ako ng p.e. uniform. ginawa ko yung drawing ko sa mapeh sa bilis ng makakaya ko. awa ng diyos, natapos ko naman. pagdating namin ng gym, sabi ni maam lising, ang magrereport lang daw ay groups 1-3. eh group 4 ako. tae talaga. nagpagod pa ko ng di oras. pagkatapos ng reportings, nagphysical fitness test kami. kinuha namin ang mga sumusunod(nandiyan na rin ang nakuha kong mga scores):


  • trunk lift 28"
  • partial curl-ups 50 repeatitions
  • right angle push-ups 24 repeatitions

yan! nanakit pa mga katawan namin. sabi sa akin ni jonell, nandoon daw si homer sa tapat ng bleachers namin. saklap naman. magkasabay ang mapeh namin ngayong araw. nung pabalik na kami ng room. nakita namin sina fame na bumibili sa cantee by the gym. humiram ako ng 5 pambili ng cream-o at si jonell pambili ng iced tea. nandoon na sa room si ginang herrera nang dumating kami. nagmadali kaming magbihis. harap-harapan ni ginang, naghubad ko. eh ano naman? nagreporting lang tungkol sa "Walang Sugat" ni Severino Reyes. kasama ko si jose sa reporting at nag-ala bulagaan kami. kaso tinawag namin itong "BALUGAAN". physics time na. bumili kami ni jonell ng mango juice with ice kasama si mhadz. konti lang ang yelo nung sa kaniya kasi daw sinisipon siya. late din kami kay sir paja. napansin niyang sa lugar daw namin nagsisimula palagi ang ingay at dapat daw ay may lumipat ng upuan. sumigaw ako ng "sir!". pinalipat niya ko sa kabilang table. sumama si dineros na nlalagnat pa rin hanggang ngayon. astig na naman ang t-shrt nmi sir. para bang sponsored siya ng lagi niyang suot. tatak ay 68. ewan ko kung ano yun. nag-activity sa physics about mirrors.buti, sa room lang. pagbalik sa room, humiram ako ng phone cam kay mhadz at may tinray kami ng mga boys. shooting nga. astig nung narecord namin, may visual effects. sa math naman. inaantok ako sa lesson. natutulog-tulog na nga ako. alam ko nakikita niya na ko eh. nagquiz. buti naka 8 ako. 1 mali. naglunch na naman sa long table. nakiinom kay kram. bumili ng 3 chubby sa canteen by the gym. pangtanggal ko lang talaga ng tinga ang chubby kaya ako bumibili. nagshooting uli kami ng mga talents ko. ako daw kasi si "direk". naka-ilan din kami bago dumating si cyclops. eh dumating na nga siya. ayos naman. naggroupings. at nag-unit test na 1-50. tae. dami ko lagtaw. at natulog na naman ako. pagkatapos ng english. wala si sir pache. eh kanina lang nandoon siya. kaya, nagshootin na lang ulit kami. eto nga pala yung mga titles ng so called "films" namin:

  • fighting scene
  • disappearing act
  • fusion
  • magic
  • tinupi
  • tagos

astig! kung mapapanood niyo lang talaga. kung gusto niyo talagang panoorin, hanapin niyo na lang si rosa pamela usi, iv-3, sabihin niyo kung pwede mapanood yung mga film namin. nag-aya na ang mga classmates na pumunta na sa gym para i-meet si maam arc. paglabas namin ng bldg. namin, tinuro ni jonell ang tatlong mga bata na naka-upo sa 2nd floor ng ir. alam na naming sina homer yun. tae talaga. pagdating namin sa gym, soya! nandun SIYA! pinanood namin ang video ng pep competion at ng aming streetdance. astig pala talaga! vniew din namin yung mga pictures sa digi cam ni barcs. astigin yung mga kuha namin. para bang kailangan talagang ipakita nila ang kanilang mga gilagid at best shot ng kanilang mga mukha! eto ang mga sinasabing kong mga tao:

  • quints (the best)
  • david
  • brenn
  • mary joy
  • tin
  • dineros
  • at maraming pang iba

astigin talaga! kung makikita niyo lang din! tinititigan ko SIYA buong oras na nandun kami sa dance room. alam kong nahahalata niya yun at mabuti naman! nangyari din ang pinakahihintay ng lahat. ang PAYROLL! tig-4 hundred ang bawat isa. at kami ni jonell, hindi nabigyan. short yata sa money. ewan. kailangan ko pa naman ng datung ngayon. nag-uwian ang mga nakakuha na. kami naman ni jonell, tumambay pa sa dance room. syempre, nandun pa kasi SIYA! nung pauwi na kami, nagpaalam kami kina maam arc at maam lising. tinitigan ko ulit siya paglabas ko. at ganun din siya. sabi sa akin ni jonell anglakas daw ng loob ko. lumabas kami ng campus at nag-aya na kong umuwi. si jonell naman daw, mag-ssn pa. tae talaga. adik.

umuwi ako ng inaantok. ewan ko ba. di naman ako natulog. nakakatamad kasi gutom ako. pagkakain, dumeretso na ko dito sa shop. online si jonell, ramon, fame at jona. tae. di tuloy ako makapagtype ng maayos. buti naman at hindi nagtagal yun.

haaaayyy...masasabi ko lang, KATAMAD-TAMAD ang araw na ito.

(habang tinatype ko ito ay biglang nagbrown-out. tae talaga. lakas tumayming ng lintik na brown-out na yan! syempre, alam niyo na kung ano ang ginawa ko.......niretype ko. iniisip ko kasi yung mga walang sawang tumatangkilik sa blog ko eh. salamat sa inyo!)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home