Wednesday, July 12, 2006

Ang Isang Barya ay Mayroong Dalawang Mukha...(Ewan)

magmula noong biyernes, hanggang ngayon, madaling-araw na naman ako naka-uwi. hindi ko na nagawang tapusin ang ap at physics notebooks ko. natulog ako ng mga mag-aalas-dos na. alas-sais na ako nagising. natural, nagmadali ako. dinala ko ang jacket na ibebenta ko sana kay bri. pang-hip-hop kasi. gulung-gulo rin ako kung saan ba ako maaaring magpagupit. dahil sa basang-basa na ako dahil malakas ang ulan, tinamad na akong magpagupit. akala ko ay sisitahin na naman ako ni sir bernard. nagkamali ako. pagpasok ko ng room, marami ang nagtinginan sa akin at nagbubulungan. akala yata nila ay nagpagupit ako gawa na rin siguro ng nakabagsak kong buhok. nagkakamali sila. gawa lang ng malakas na ulan kung kaya't nakabagsak ang buhok ko. kagabi sabi ko sa sarili ko, magpapagupit ako para ipaalam sa mga tao na mayroon na akong bagong daan na tinatahak. at sa hindi inaasahan, may nagtanong nga ng ganoon. um-oo na lang ako. tahimik ako sa buong oras ng ap. napansin yun ng marami. silang mga nakakaalam ng naganap kahapon. natapos ang ap. inaya kong bumili si jonell. gutom na gutom talaga ako. bumalik kami sa room at nandoon na si maam jagmis. umupo ako sa likuran kung saan hindi ako mapapansin ng aking mga kaklase. nagkakakanta ako na parang wala nang bukas. mga kantang:
  • Lunes (Join The Club)
  • Ewan Ko (Soapdish)
  • Hanggang Kailan (Orange and Lemons)
  • Gemini (Spongecola)
  • Nasaan Ka (Pupil)

bumili kaming muli ni jonell pagkatapos ng research. nagpa-long test si sir paja at natunaw ang utak ko kaiisip. pagkatapos ng nakakabaog na test na iyon. nagpasulat si sir ng message para sa isang tao sa loob ng room. umikot ang aking mga mata para humanap ng masusulatan. ngunit wala. kaya, si sir na lang ang sinulatan ko. anyone inside the class pala eh. kaya iyon. pangalawang nabasa ang sulat ko para kay sir. marami ang nagtawanan na parang ewan. malay ko ba kung bakit sila nagkaganon. seryoso naman ako sa sinulat ko. nakisakay na lang ako sa kanila. nag-lunch pa kami kahit alam na naming susupendido ang klase. nagpaalam si jonell sa akin na mag-e-sn siya. nagpaalam din ako sa gagawin ko. naghiwalay na kami. nasa tapat ng room ng IV-2 si SIYA_ _ _. una, nagpapaka-ewan pa ako para mapansin niya. nilapitan ko si clara at nagtanong-tanong. nalaman kong crush din pala ako ni SIYA. yun lang naman ay sabi ni clara. pinilit kong manatili sa katahimikan ng aking sarili. ayaw kong magpahalata. at mas gusto niya raw ako kaysa sa crush niya sa varsity. binalikan namin SIYA. tumungo sila sa fencing room at kami nina allan at zeta, naiwan sa tapat ni rizal. matagal din kaming tumambay doon kasi matagal din sila bago dumating. napag-kwentuhan naming dalawa ni zeta kung ano na raw ang desisyon ko. sabi ko sasali talaga ako sa folk. ewan ko ba. seryoso ang usapan namin ni zeta ngayon. biglang nawala si allan na hilo na sa paghahanap kay yeza. masaklap ang nangyayari sa kanilang dalawa ni yeza. hinahanap pa niya, nakauwi na pala. tinext niya si yeza ng "thank you". ewan ko ba. masakit sa kaniya yun alam ko. dumating na nga sina SIYA_ _ _ at clara. wala daw practice. lumabas kami ng campus at balak na pumunta sa dorm nina SIYA sa kapasigan. kaya sumama kami ni zeta. si allan naman, umuwing nag-iisa. umuulan pa rin. hinatid namin ang mga pasong hiniram ni SIYA sa dorm nila. para daw yun sa aniv. ng church nila sa friday. pagkatapos nun, wala kaming mapuntahan. kusa na lang kami naglakad pabalik sa school. nagugutom na raw si clara kaya pumunta kaming ministop malapit sa ingen. tumambay kami doon. binilhan ko SIYA ng vanilla ice cream. hindi ko alam, may ubo't sipon pa pala siya. sabi lang din yun ni clara. nagkwentuhan. at kagaya pa rin ng dati, speechless pa rin siya. pero hindi naglaon, nagkwento na rin siya. tungkol sa pamilya niya. at kaugnay sa nangyayari sa amin. nabanggit din nina clara at zeta ang nasabi ko sa kanila kagabi sa jeep. na "ayos lang na hindi maging kami, basta, gusto ko lang sana na yung relationship ko sa kaniya ay more than a friend, pero hindi lalagpas sa pagiging kami, kung hindi talaga pwede." nanliit ako nung una pero pinilit kong makaya yun. bumili ako ng maiinom para na rin masabi ni SIYA sa kanila ang sagot niya. bumalik ako. at sabi nila na ayos lang daw kay SIYA yun. masaya ko nung narinig ko yun. mahirap daw talaga magtago ng ganun sa pamilya lalo na sa ate niya. hindi talaga pwede. ayos lang talaga sa akin yun. lumabas kami ng mini-stop at hindi pa rin namin alam kung saan na kami pupunta. nag-aya kami ni zeta na mag-online. kaya yun. inaaprove niya yung friend request ko sa kaniya. nagchat kami kahit nasa iisang comp. shop kami. para nga kaming ewan. nagtestimonial ako sa kaniya. syempre may advertisement pa rin ng blog ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home