Tuesday, July 11, 2006

DIANETIC

"Let me know if I’m doing this right,
Let me know if my grip is too tight ,
Let me know if I can stay all of my life,
Let me know if dreams can come true,
Let me know if this one’s yours, too."

"Cause I see it,
And I feel it,
Right here,
And I feel you right here."

late na ako nagising nakina. buti hindi ako late sa filipino. manaki-nakit pa nga ang mga mata ko at ang aking ulo dahil panglimang araw ko na ito na madaling araw na umuuwi. malamang dahil sa blog na ito. nagreport lang naman sa klase ni ginang. inabot ko sa kaniya ang sulat ko para kay SIYA_ _ _. pinabasa. late kami ng 20 mins. sa mapeh. p.e. pa naman. umaambon-ambon pa ng magreport kami, mag 40-meter sprint (na partner ko si jonell...naka-4.88 sec. kami) at nag-1 km. run and walk (na nanguna ako sa loob ng 4.20.98). nagburger kami sa canteen by the gym. hindi ko pa rin alam sa mga oras na iyon kung paano ko maibibigay ang sulat kay SIYA_ _ _. nag-research kami at wala kong ginawa kundi magsulat at kantahin ang "EWAN KO" ng soapdish. natamaan ko yata si jonell. nagpatawag din si sir paja ng 4 na MALALAKI. (anong MALAKI?). ah lalaki pala tinutukoy niya. sumama kami nina dineros, bri at quints. nasa i.r. kami ng mapagtripan naming pagtatanungin si sir. (tama na...masyadong kontrobersyal). bumalik kami sa room at nandoon na si sir pache. hindi agad kami pumasok ng mga bata ko. nagkumpuni pa kami ng sira namng teacher's table. nag-quiz. tae. wala akong alam. out of 14 yata yun, naka-4 lang ako. tae talaga! wala akong inatupag kundi magsulat. nag-english at ae sound naman sinamahan pa ng e sounds. as usual, nakatulog na naman ako. nag-overtime na naman si cycylops. nag-ad chem pero inaya ko si jonell na magliwaliw muna. ganda pala ng view doon kasi kita ko ang room nila SIAY_ _ _. nagreport kami at ako ang nag-take over sa group namin. buti na lang soya ang reporting namin. pagkatapos ng chem, naikwento ko kanila khaye at jonell ang "nuts entertainment namin sith sir paja. yayks daw sabi ni khaye. heheheh. totoo naman eh. late kami ng 20 mins. sa tle. domino effect na naman ang nangyari sa mga subjects namin. reporter na naman ako. tae. walang nakikinig sa amin. gantihan lang yata ang nangyayari sa room namin. natapos ang tle at sinabihan ako ni angge na pumuntahan ko raw SIYA sa dance room pero huwag lang daw ako magpapakita kay maam arc. pumasok kami ng gym ni jonell at nandoon si bri. nakipagkwentuhan ako kay bri tungkol sa varsity. tae. sabik na sabik siyang sumali. pinauna ko na si jonell kasi alam kong ma-oop lang siya lalo na kapag kinausap ko na SIYA_ _ _. nag-sn siya. angtagal bago ko maka-usap SIYA_ _ _. tae. buti na lang at nandoon si zeta boy at naibuhos ko sa kaniya ang problema ko at ganun din siya sa akin. nag-usap na nga kami ni SIYA_ _ _.


"DIANETIC"

Alam mo ba nalilito
Gulong-gulo
Di nagbibiro

Saan pa man naroroon
Pangalan mo ang binubulong
Ikaw pa rin ang hinahanap ko

Tulad ng isang panaginip
Ako ay gagapang sa isip mo

Bawat halik ay tanda ng pangako
Na ako ay sayo at magiging akin ka
Sa pusot kalulwa

Masdan mo ang mga mata
Wala na ngang hahanapin pa
Kaya't mahal wag mainip
Pagibig ko'y di nagpipilit

Sabihin mo lang
Walang anuman
Sabihin mo lang
Walang anuman

"ano" siya ng "ano". gusto niya yata ako yung unang magsalita. tinanong ko siya kung "ano" rin? tinananong ko rin kung anong masasabi niya doon sa sulat ko sa kaniya. wala daw siyang masabi. tae. sabik na sabik pa naman akong malaman kung ano. speechless daw siya. tinanong din niya ko kung ano ba daw balak ko sa buhay. nako. anglalim naman. sabi ko alam niya na naman yun eh. ang gulo. hindi ko siya maintindihan. lagi na lang siya wala masabi. kung meron man, hindi yung mga tinatanong ko sa kaniya. tapos bigla niya sinabi (alam ko nakakahalata na siya) na hindi talaga pwede sa folk ang ganon. at saka daw hindi pa siya kailanman nagkaka-boyfriend (hindi ko nga sabi hiniling yun) kasi sa pamilya niya daw.... AWTS! SAKLAP. sabi ok na lang yun (kahit hindi totoo). tinanong niya ko kung itutuloy ko pa raw ang pagsali sa folk. nagpaligoy-ligoy pa ako. sabi ko pa ,"kaya nga sumali sa folk kasi....tapos wala rin pala." una sabi niya ituloy ko na lang daw. sabi ko hindi ako sigurado. kasi alam ko baka mailang lang kami sa isa't isa. pinakuha ko rin sa kaniya yung sulat sa kaniya ni renan. pagbalik niya. mukha daw galit sa kaniya si maam arc dahil daw kay rovee (tama ba?). na kung anu-ano daw ang pinagsasabi kay maam. bumalik uli kami sa tanong na kung sasali pa a ako sa folk. hindi ko pa rin alam ang isasagot. sumali daw ako pero bigla nagbago isip niya (naisip ang nangyayari), huwag na lang daw. tapos biglang, "sige sumali ka na", ako na lang daw ang bahala sa desisyon ko. tae talaga. nawiwindang na ako! inaya na ni zeta na umuwi ang mga folk girls. kumaripas kami ng takbo nang makitang papalabas na ang mga pep. ayaw naming magpakita. hinintay namin sila sa labas at lumabas na nga SIYA kasama si clara. naglakad kami hanggang presby at sumakay. sa jeep. nanahimik na naman ako. nagsalita lang ako kay clara nung nakababa na SIYA sa kapasigan. tae naman oh! tinanong ko si clara kung may naikwento ba SIYA sa kaniya. sabi niya sa akin alam daw niya na may crush SIYA sa varsity. tae! NAKAKAWALANG GANA ang mga pangyayari. nasabi ko na lang sa kanila na hindi ko naman talaga hiniling na maging kami. ayos na yung higit sa kaibigan kahit na hindi maging kami (eh kung magiging kami ay mas ayos....pero alam ko hindi mangyayari yun.). yun na lang talaga. buti na lang at may suporta sila sa akin. last words ko kay clara....."HINDI AKO TITIGIL KAHIT ANO MANGYARI!" (ewan ko lang kung narinig niya yun).
dapat na ba akong magsimula ng panibago. haay! HINDI. bakit ko ba kailangang tapusin ang hindi dapat tapusin. isa pa, kasisimula ko pa lang. tama. akala ko may nasisimulan na ako, wala pa pala. ika nga ni clara, "hoy, sasandali pa lang kayo magkakilala, ganyan ka na agad sa kaniya!"

Labis na naiinip
Nayayamot sa bawat saglit
Kapag naaalala ka
Wala naman akong magawa...

1 Comments:

Blogger Arvin said...

thursday, july 13, 2006
study net, computer no. 8


kaya pala ayaw mong magkwento kahapon. now, i know. ano ka ba naman meron ka nang nasimulan... ang pagtapos mo sa dapat na tapusin. huwag kang mawalan ng pag-asa. hindi iyan katapusan! tandaan mo yan, vin!

11:55 PM  

Post a Comment

<< Home