kapag ang isang paa mo ay nasa hukay na.
dumating kami ni kim sa rosario bliss. maaga pa para sa meeting. naghintay pa kami ng iba pang mga kabrad. may isang dumating na seniority na sa fraternity namin. kinausap ako sa isang madilim na lugar. pinagtatanong ako ng motto at iba pang mga bagay na tungkol sa aming samahan. ako naman kabado. nagkamali ako. binigyan niya ako ng isang malutong na sampal. at tinanong niya pa ko ng marami pang tanong. all in all, naka-apat na sampal siya sa akin. oras na para ibigay na niya sa akin ang pledge ng MAGIC FIVE GRAND FRATERNITY and SUPREME SORORITY. pagbabaptise ang tawag namin doon. isang sampal sa kaliwang pisngi. isang sampal sa kanang pisngi. isang suntok sa kaliwang dibdib. isang suntok sa kanang dibdib. isang suntok sa kaliwang hita. at isang suntok sa kanang hita. pinatalikod at isang suntok sa kanang hita at isa pang suntok sa kaliwang hita. tapos. welcome na ako.
dito ko naramdaman na ang pag-sali sa ganitong uri ng samahan ay hindi katulad ng pagsali mo sa isang barkadahan lamang. isang paa ko nga ang nasa hukay na. napatunayan ko yan.
"Though we walk through the shadow of death, we fear no enemies because we are bound by the laws of God and Humanities."
"A CRIME BUSTER should ALWAYS be a CRIME BUSTER."
sa mga mottong iyan kami nabubuhay. pianatutupad ang bawat batas ng kapatiran. isinasabuhay ang bawat layunin nito. at higit sa lahat, isinasapuso ang pagsali sa kapatirang ito.
VIVA VIVA MAGIC FIVE!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home