Maaari Ko Bang Ibahin Ang Ikot ng Mundo....Ewan Ko.
pagkatapos naming mag-internet. parang umiiwas SIYA sa akin. naalala ko nabasa niya pala ang blog ko. at syempre nabasa niya rin ang entry ko tungkol sa fraternity ko. ewan! nagulat ako nung tinanong niya ako kung totoo daw ba yun? sabi ko oo. tumahimik siya. sabi ko, "ganiyan naman talaga ang first impression ng mga tao sa isang fraternity eh." pinalawak pa niya ang usapan. marami siyang natanong sa akin. kung bakit daw ganoon ka-(ano bang ibang word for brutal?). buti na lang at nandoon si zeta na nagtanngol sa akin. sinabi niya ang kaibahan ng isang fraternity sa mga gangs at tribes. ewan ko kung naniniwala siya sa amin. nagtungo kami sa kapasigan. naglakad lang kami. pumunta kami sa dunkin' donut. kumain kami doon. sagot pa rin naming dalawa ni zeta. ayaw namin silang gumastos. nagkatapat-tapat ang magkakapartner sa lamesa. nag-usap-usap. tungkol pa rin sa fraternity ko. nagbulung-bulungan sila. nag-cr ako kasi alam ko pagbalik ko, may sasabihin na naman sila sa akin. pagbalik ko nga, SIYA naman ang nag-cr. sinabi sa kin ni clara na na-turn-off daw SIYA sa akin dahil nga sa fraternity ko. pagbalik niya, nagpaliwanag na naman ako. walang tigil na pagpapaliwanag. sana naman ay maintindihan niya ako. nagbasa din siya sa notebook ko. nakita niya doon yung entry ko tungkol kay pep girl at ramon. ewan ko ba. parang wala lang sa kaniya yun. nagtanong-tanong lang naman siya sa mga past girlfriends ko. kinwento ko ang tungkol kay maan. at kung ano ang dahilan ng pag-iyak ni homer last year. hindi ko kinumpleto ang mga detalye tungkol doon. ayaw ko nang ibalik pa ang nakaraan. tapos na iyon. tinitigan ko siya na parang ewan pagkatapos nun. nailang siya. baka daw siya matunaw. napag-usapan din namin kung ano na ba daw ang nararamdam niya sa akin. hindi siya sumagot. ganoon naman siya palagi eh, speechless. lumabas kami ng alas-siyete dahil may practice pa raw SIYA sa church nila. humiwalay na sa amin ang dalawa. SIYA naman, hinatid ko hanggang 7-eleven. nagpaalam ako at sinabing "mag-ingat ka".
sa loob ng 7 oras naming magkasama. para akong ewan. hindi ko maintindihan kung ano na ba talaga ako para sa kaniya? kung may pag-asa ba talaga ang pinaggagagawa kong ito. kung may lugar pa nga ba ako sa puso niya. kung may paraan pa bang maging akin siya. kung hanggang kailan ako maghihintay para sa kaniya. kung matutupad pa ba ang kabaliwan kong ito. kung magigising pa ako sa napakulay na panaginip na ito. kung karma ba ang may gawa nito. kung hindi ba siya tinadhana para sa akin. kung ayos lang ba sa kaniya ang napakalaki kong pabor. kung may Diyos bang nakaririnig ng aking hiling. kung may mga tao bang makaka-initindi ng lahat. kung makakayanan ko pa bang maghirap. kung lahat ba sila ay tutol dito. at kung maari ko bang ibahin.....ang ikot ng mundo.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home