Thursday, July 13, 2006

Naiinip Ako Sa Ikot ng Mundo

At pwede bang sabihin mo..
maghihintay ako sa'yo..

alas-kwarto na ako naka-uwi mula kanila kim. nagtype at nagprint ako ng portfolio ko sa filipino at mga pictures ng kung sinu-sino. nagmamadali ako para makapasok ako ng maaga. nung pagpasok ko ng bahay, gising na nanay ko. yari! biglang banat ko na lang, "ang lakas ng ulan, kainis!", "biglang sabi ba naman, "wala kayang pasok.". parang gusto niyang sabihin na bakit pa ako umuwi eh wala namang pasok. natulog na lang ako sa sala kasi nasa kwarto ko ang tito ko. anong oras na ako nagising kanina. mag-aalas-dos na yata yun. tumulong lang ako sa bahay at umalis na rin bandang alas-tres. walang ligo-ligo, nag-online ako. wala akong nadatnan kundi si jonell. nagbasa-basa ako ng mga blogs. biglang dumatin si myks. pinapabasa ko sa knaiya ang blog ko pero tunatamad daw siya. nung una, gusto kong pumunta sa school o saan man para lang makita ko SIYA_ _ _. hinihintay ko sa shop yung kaibigan ko para makitext. kaso hindi dumating. nang bigla-bigla ba naman SIYANG nag-online. waaa. un ang una kong message sa kaniya. nagulat talaga ako. pinabasa ko agad sa kaniya ang blog ko kasi gusto kong malaman niya ang mga nararamdaman ko. lalo na nung kagabi. nabasa nga niya. bakit daw ako gulong-gulo. sabi ko lang:

haay nako. napakinggan nga niya. speechless pa rin as usual. kainis! pina-add niya rin sa akin yung bestfriend niyang si pia. at tinanong niya ako kung crush ko ba daw ang bestfriend niya. tapos, tinanong ko SIYA kung pwede ba ipabasa yung blog ko kay pia. (para na rin malaman niya ang sagot). bigla ba namang nagpaalam. ewan! nag-iisa na naman ako. walang iba kundi si jonell lang ang kasama ko. nung una naging masungit ako sa kaniya kasi ayaw kong ibigay ang ym id ni SIYA. sabi ko ayaw ko na siyang madamay. para ngang nagtampo siya eh. kaya nag-sorry ako. ewan talaga ako! naglog-out ako ng walang sabi-sabi.

gusto kong magpaka-ewan kaya binuhos ko ang problema sa bote. oo. isipin niyo na ang lahat. wala akong tinatago. alam kong hindi ito ang paraan para mawala ang problema. may nagtulak lang talaga sa aking gawin ito. hindi naman ako nagpakalango sa pagkakataong ito. pasensya na. kung mababasa mo man ito. patawad. alam ko kaya ko ito kung tutulungan mo lang sana ako.

pagkatapos ng kabaliwan ko. nagpagupit ako. yan ha! wala na akong masasabi kong may makapansin man na nagbabagong-buhay ma ako. hindi ko nga alam kung pwede na itong gupit ko kay sir bernard eh. pero ayos na rin. ayoko kasing magmukhang bata. isang totoy.

huwag niyo sanang isiping nawiwindang ako sa mga oras na ito. nasa tama pa akong pag-iisip.

gabi na mga tagasubaybay. sa susunod na lang uli o dapat ko bang sabihing bukas na lang. sige na.


Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo



1 Comments:

Blogger Arvin said...

Friday, July 14, 2006
12:11 pm
AVR, Rizal High School


pero ewan ko...ewan ko...
bakit ba kasi laging ganito? tapos dinaan mo pa sa bote... kung hindi kikilos tandaan mo walang mangyayari. hindi pwedeng magpakalungo.. maintindihan ka sana nilang lahat lalo na siya_ _ _. okay lang yung kahapon.. naiintindihan naman kita, eh. hayaan mo na yung ibang mga tao na hindi maintindihan ang pag-uugali mo. bahala sila sa buhay nila.

9:17 PM  

Post a Comment

<< Home