Friday, July 07, 2006

a simple talk hit the spot.

ganon pa rin ang araw ko ngayon. pagkagising ko, walang amusal. bumyahe ako ng gutom na gutom. kapalit ng pagkagutom ko ay hindi pagiging late. pakalat-kalat pa ko sa room bago mag-1st subject nang bigla kong tinanong ni angge kung may report na ako. tae. nalimutan ko. syempre, hindi naman pwedeng hindi ako gumawa. nag-hapit ako. naabutan ako ni sir bernard na gumagawa ng visual aids at ang mga tingin niya, nakakaloko. nagreport ako, on the spot. di ko man lang alam na ko na pla ang kasunod. lumipat ako ng upuan malapit kay jonell. pinbasa ko sa kniya yung sinulat ko kagabi. tapos, nakipag-usap kay dineros tungkol sa kanila ni tinay. ala! e.p. pala ngayon! after so many years nag-e.p. na rin kami sa wakas. nagreport about "CREATION". nagrecite, nag-quiz, naka 26 ako out of 30. wow. nakikinig eh. si jonell naman 19. nagshooting ulit kami ng mga bata ko after ep. title, "tinupi part 2". astig na naman! nagburger na naman ako sa canteen by the gym. lagi naman eh. bumili ng 3 chubby. lagi na rin naman eh. nagphysics, kaso sa room lang. as usual, napansin na naman ako ni sir paja. lagi naman din eh. tae. what's wrong with sir ba? parang ibang-ib ng mood niya ngayon. siguro gutom. nag-activity na naman. natapos ang physics at wala si sir pache. nagliwaliw na naman kami ng mga bata ko. nagshooting. magic tricks nina jose at kram. naglunch sa long table ni rinnah pero di sumabay si remle boi. nahihiya daw siya. kasi, kapag kasabay daw namin siya, lagi daw namin sinasabi na ang kalat-kalat niya kumain. tae. dumating si maam lising sa room. inassign ako para mangalap ng mga boy scouts sa room. gumawa ako ng excuse letter at pinapirmahan kay maam. pumuntang gym at nagkwentuhan tungkol kanila CRISS ANGEL (na sinasabi nilang demonyo daw) at DAVID BLAINE (na nanliit ang tingin nila). nagmeeting na nga sa bleachers ng gym. election. si max, tae, na-elect para maging secretary ng boy scouts. waheheh! binigyan ako ng 1 chubby ni jonell(turn niya na yatang mamigay). dada nang dada yung adviser ng bsp. isa sa pinakamahalagang sinabi niya ay yung tungkol sa "TRANSFERTATION". tae. at "UTENCHILS". nambully din ako ng mga maiingay na mga 1st years. hanga si jonell. naglilibot kami ni jonell sa sci bldg. nang makita namin si TENG! (si SIR PASCUAL). nagbubuhat ng dumb bell. at nakasando lang hah! ewan ko ba kung bakit siya tumigil ng magtanong kami kung totoo ba ang mga nakita namin. nahiya na rin siguro siya. naggala din kami sa ir sa tapat ng iii-1. nagplano pa nga kami para sa isang "PERFECT CRIME". hinanap namin ang 400 na dapat ay nasa aming bulsa na. tae. nakaalis na raw si maam arc. nadisappoint kami nina jonell at mhadz. tae naman talaga kasi eh. bumalik sa ir para kay homer. pina-excuse siya, pero umalis kami bigla ni jonell. waheheh! tae, parang patay na bata lang. bumalik kami ng gusali. soya! wow! nandun SIYA_ _ _! happiest moment with her. nakipag-usap ako sa kaniya habang hinihintay niya sina tin. nagpasama siya sa akin para dumaan sa tapat ng oval kasi nandun daw yung mga nanliligaw sa kaniya. ewan ko ba. ayaw na niya yata akong makauwi ng buhay! tiningnan ng photo album niya. kainis! gaganda ng mga pictures niya. syempre, nanghingi ng isa. soya talaga! pero nanghingi din siy sa akin, pumayag ako. sa monday daw dapat mayroon na. dumating sina tin at pumunta na kami ng presby (ang galing, naaya ko siya). hindi ako tumabi sa kaniya. nag-special no. nga pala yung mga taga-clf. mga mukhang punks. tae. akala mo may gig na pinuntahan. nagpasa ako ng tanong tungkol dun sa da vinci code. tae. nabunot ba naman! natapos ang fellowship at bumaba akong may +1 picture niya. si clara kasi (pepmate niya. a.k.a. takab) pinakita sa akin, hiningi ko na. pinasabay ko na siya kanila jose at quints. ako naman, kasabay si takab. ang kulit pala ng taeng yun! kung anu-ano nalaman ko tungkol kay SIYA_ _ _!
ang saya-saya talaga ng araw na ito! sana ganito na lang palagi! kaso hindi naman pwede diba? sana lang naman eh. ngayon ko na lang uli naramdaman ng feeling na naiin-love ng sobra. yung tipong lumalaki na ang ulo ko dahil sa mga sinasabi sa akin ni jonell. tae.
ano ba yan. baka naman hindi ako makatulog nito. yang mga pictures na yan kasi eh. hindi mawala sa paningin ko. nag-iisip pa rin ako kung anong picture ang ipapalit ko dun. tae.
Image Hosted by ImageShack.us

0 Comments:

Post a Comment

<< Home