Saturday, July 08, 2006

UPCAT REVIEW Turned BARKADA TRIP

kagabi, nag-online ako. tinapos ang walang kamatayang blog na ito. nakaka-adik talaga. 2 am na ko natapos, 07/08/06 na. nakatambay pa rin ako sa shop nang biglang dumating ang girlfriend ng kabarkada ko. nag-aya siyang tumamabay pa kasi daw wala daw siya magawa sa bahay. dumeretso kami sa bahay ng kabarkada ko. pagdating namin doon, natulog agad ako kasi mga 3:30 na kami nakarating. ginising niya ko ng mga 5:30 kasi daw baka maabutan kami ng mommy niya. umuwi ako. pag-uwi ko, hindi ko na naisipang matulog pa. 2 hours lang pala tulog ko, adik. naligo agad ako at nagbihis. 7 kasi usapan namin ni quints sa school. 1 hour earlier sa UPCAT REVIEW na yan. pagbaba ko ng jeep, diretso kong 7-eleven. nag-capuccino. tae. sobra kong tinamaan ng caffeine. nagising ako. pagdating ko sa school, nasalubong ko si remle boy at sina madi, junie lee, angge, pj at (sinu-sino pa ba yun?). papunta pala sila sa classmate nila para sunduin. so, sumama muna ko. pagbalik ng campus, nandoon na nga si quints at nag-memake a move na kay adoracion. nag-umpisa ang biology review ng wala sa time. late na. nagpre-test at mukhang ako yata ang nakakuha ng highest. tae naman. hindi ko pinangarap. natapos ang biology nang napakarami kong na-jock down. nagseseryoso nga ako. tumambay sa labas ng room. biglang sinabi sa akin ni myks na pupunta raw si SIYA_ _ _ sa school para makipagkita kay renan. bakit kaya? pinatanong ko kay myks pero hindi niya nakita si renan. nakita ko naman so ako na ang nagtanong. sabi niya, inaya niya raw si SIYA na mag-mall kaso may sakit daw si SIYA_ _ _. nilandi ko si renan ng may halong mga nakakaloko at mapag-aming mga tanong. (alam niyo na kung tungkol saan). sabi niya, alam naman daw niya na kapag nanligaw DIN ako kay SIYA_ _ _, busted na daw siya. tae. alam na! hinayaan ko na lang ang nalaman ko.klase na naman. sumunod ang english. kay maam ferrera. astig. ibang-iba ang ang aming english class. nag-lunch kami sa san miguel food court. at nag-aya si cas na manood ng sine sa mega mall. kami naman, naimpluwensyahan. inaaya namin si ramon kaso takot yata kay rubio. umuwi si jonell para kumuha ng pera. sumunod siya sa mall. yun na nga. pumila at bumili ng ticket para sa SUPERMAN RETURNS. habang nanood, inaantok ako at naidlip. hindi ko nga yata mapapanood ng maayos ang movie kung hindi ko pa naisipang itext SIYA_ _ _. grabe. soya. paramdam ba. ok naman ang strategy ko sa kaniya kanina. natapos ang movie at hindi na kami nagtagal sa mall. nag-aya na ring umuwi. habang nasa fx, katext ko pa rin SIYA_ _ _. nagpaalam na uuwi na at sabi niya mag-ingat daw KAMI. tae. akala ko pa naman ako lang. waheheheh. ok lang. nung nasa jolibee rotonda na kami, bigla kong nakita yung kabrad ko sa fx. kumakaway. pinababa ko siya kasi may pupuntahan pa kami. yun na nga, pumunta kami sa meeting ng aming fraternity.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home