Fourteenth of July
haay...maaga naman ako nakapasok ngayon. wala daw si sir bernard. buti na lang! wala pa naman akong assignment sa kaniya. umupo ako malapit kanila jonell, fame at mhadz. nakipagkwentuhan. dumating si maam sobremonte. ep na pala. biglang may inabot si myks sa akin na 1 whole, report ko pala yun. akalain mo ba naman na magmukha kaming ewan sa harapan ng buong klase dahil lang sa instant report na iyan! hanep! pagkarapos naman, nagburger kami sa canteen by the gym. physics naman, nag-utos na naman siya sa aming f4: ako, quints, bri at dineros. nagliwaliw muna kami sa oval. anghangin kasi eh. sarap. pagkabalik namin, may pinagawa sa aming experiment si sir. astig. optical illusion. candle in water daw. pagbalik sa room, meeting ng chronicles. ewan ko ba kung tungkol saan yun. hindi kasi ako nakikinig nung mga oras na yun eh. umalis sina jonell at angge, papuntang avr. math time na, may long test. tae. hindi man lang ako nagreview. pagkatapos, nung tuyung-tuyo na aming mga utak, nag-aya na si quints na mag-lunch sa sedp. nagkwentuhan habang kumakain. tungkol sa sarisarili naming lovelife. research na. tamad na tamad ako. sa likod na nga ako umupo para hindi ako mapansin. nagpipipicture lang at kumuha ng picture ng aming classroom. nag-iisa talaga ako nung oras na yun. en math naman, pinapunta kami ni sir pache sa library. nagkaroon kami ng lecture doon with mr. eden. galing niya. bilib ako sa galing niya sa math. pero si sir reyes, mukhang hindi niya gusto ang way ng pagtuturo nito. may mga 3rd pa nga eh. puro mga bata. tae! nandoon din si homer. wala lang. pagkatapos nun, dumeretso akong room para tingnan kung dumaan ba SIYA_ _ _ doon. may nagsabi na dumaan nga siya. dumaan naman kami ni jonell sa gym. hindi ako nagpahalatang hinahanap ko siya. nahirap na. tumambay sandali sa tabi ng court. lumapit sa mga nag-o-audition ng pep. waaa.. parang mga patay na bata lang. umalis kami ng gym at dumeretso sa presby. doon, late kami. nagtutugtugan na sila nung dumating kami. so, nagfilm showing na naman about da vinci code. maganda naman, kaso natulog ako. nagtanung-tanungan pero hindi ako nagpasa ng tanong ko. hindi ko kasi masyado naintindihan yung pinanood. natapos ito at nakipag-usap ako kanila ate baby at kuya popeng. nayamot din sa akin si rea kasi tinititigan ko siya nang parang ewan. trip lang. umuwi ako nang kasabay sina abby, sheila, karee, mocca at gabo. yun. umuwi ng bahay. kumain, nagbihis at umalis uli papuntang shop.
pang-1 week ko na itong ginagawa sa buhay ko. nakakasanay kasi yung laging wala sa bahay. nakakatamad yung palagi ka sa bahay. nakakasawa na rin yung mga tao sa bahay. yung mga mukha nila.
natapos ang araw nang hindi ko man lang SIYA_ _ _ nakita. kainis! kasi naman yang lecture na yan eh! tae talaga! ewan! dadaan pa ang sabado at linggo nang hindi ako makakasilay.
pang-1 week ko na itong ginagawa sa buhay ko. nakakasanay kasi yung laging wala sa bahay. nakakatamad yung palagi ka sa bahay. nakakasawa na rin yung mga tao sa bahay. yung mga mukha nila.
natapos ang araw nang hindi ko man lang SIYA_ _ _ nakita. kainis! kasi naman yang lecture na yan eh! tae talaga! ewan! dadaan pa ang sabado at linggo nang hindi ako makakasilay.
kawawa ka naman arvin oh!!!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home