130 minutes late...
Post for:
07/15/06
2:10 am
alas-tres na ako nakauwi sa bahay. madaling araw na naman syempre. alas-kwatro natulog nang hindi nakakapaghanda para sa pagpasok sa upcat review.
late ako nakapasok dahil dito. nagtetest na sila nang dumating ako. dramatic entrance. maraming nagtinginan sa akin. una kong hinanap ay yung bestfriend nga ni SIYA_ _ _. nakita ko siya pero wala lang. nagmadali ako sa pagtetest ng physics. buti na lang at natapos ko. naging boring ang klase namin kasama si maam ferrera. angginaw-ginaw pa naman. ang sarap matulog kaso naisip ko kailangan kong serosohin ang pagrereview. biglang dumating si maam eden, yung next teacher sana namin. nagpaalam siya na hindi siya makakapasok sa amin dahil sa isang "very very very important" na bagay. ayos sa lahat ang narinig namin. syempre, vacant subject na naman. wala nang nagreklamo nung nag-overtime kami sa physics kasi alam naman naming wala nang susunod na subject maliban sa math. inaya kong mag-online sina jonell at fame pero makalipas lang ang ilang minuto, na dahilan ng pagliliwaliw ko, nawala silang bigla. sumunod na lang kami sa sn kasi dito ang pinag-usapan naming lugar. nandoon nga sila. at si fame, katabi na naman ni ramonskie. ewan ko bang kung anong meron sa pagitan nilang dalawa. meron akong pakialam pero parang wala akong karapatan. una, hindi ako nakapagblog. inaya kasi ako nila quints at jose na mag-counter na lang. naglaro kami at kasali din sina ramon(dboynxtdoor) at tino(dayday). pagkatapos namin, nagblog na nga ako. parang naiinggit si quints sa pagbablog kaya gumawa siya ng account sa tulong ni jonell. hindi sapat ang oras na meron ako para tapusin at ipublish ang tinatype ko. may nakita rin kaming sombrerong naiwan sa sn. kinuha namin ito kasi orig. penshoppe ba naman ang tatak nito. maayos pa at maganda. bumalik kami sa school. kaiming anim na naman. nagkakalokohan pa kaming magmall kaso wala kaming mga pera. nag-epti sa tapat ng school at nang pagbalik namin sa room, nandoon na si sir. matagal na pala siyang nagsimula sa pagtuturo sa room namin. pumasok pa rin kami kahit nakakahiya. dramatic entrance na naman. naging ayos naman ang klase namin kay sir pache. pero matulog-tulog pa rin ako. araw-araw na lang. si jonell naman, tae, hindi umattend sa amin, nag-sit-in sa room 2, kay maam lorns. tae talaga yun. overtime na naman. pero okay lang kasi last subject na naman. pagkatapos, sinabi sa akin ni quints na tinext daw siya ni SIYA_ _ _ na sabihin sa akin na lapitan ko daw at kausapin yung bestfriend niya kasi may importante daw itong sasabihin sa akin. eh huli na, nakauwi na si pia. nanghinayang ako. kung bakit pa kasi ako nagliwaliw pa kasama ang iba kong classmates at dahil sa lintsak na sabayang pagbigkas na yan na wala rin namang pinatunguhan. nag-aya na akong umuwi kasi may meeting pa kami. nakisabay ako kina tin, fame at dayday. kasama rin si quints kasi kukuha daw siya ng allowance sa convention. hinatid ko si tin sa sakayan ng pasig-junction/tramo kasi sa jolibee palengke ang meeting place namin ng mga kabrad ko. matagal akong naghintay doon bago sila dumating. nanundo pa kami ng iba pa sa pinagbuhatan kasi talagang kaunti lang kami. dahilan ng napakaraming dahilan. hindi natuloy ang meeting namin. nagbantay na lang ako sa shop. hiniram ko rin yung cellphone ng kaibigan ko para itext SIYA_ _ _. naghintay ako ng medyo sandali. salamat at nagreply siya. sabi niya may importante daw siyang sasabihin sa akin. nagulat ako at nagtaka kung ano yun. yung para pala sa sunday service ng church nila. kasi sabi ko pupunta ako doon. hindi ako sigurado nung una kasi alam ko wala akong makakasama doon. eh ano ba daw ginagawa niya? nyahahah! natuwa ako nung mabasa ko yung text nyang yun. kaya pumayag na rin ako na pumunta. tinanong ko rin SIYA kung makakapg-usap kami doon. baka kasi kung anong sabihin sa kaniya ng mga tao doon. sabi niya, hindi naman daw mga malisyoso ang mga pag-iisip ng mga tao doon sa kanila. haayy...pumapabor sa akin ngayon ang pagkakataon. sabi ko na lang na itetext ko na lang siya uli ng maaga. before 3 pm. kasi yun yung napag-usapan naming time. sabi ko pa, "Gud nytie nytie nd better nyts nd switer drims...(c",)". tae. yun.
nandito ako kanila kim ngayon. wala kasing magawa. nagpipiprint lang ng mga pictures namin. syempre meron SIYA_ _ _. tulog na nga itong si kim eh. tae. lagi na lang siya ang unang natutulog sa tuwing nandito kami sa kanila.
akala ko talaga magiging walang saysay ang araw ko ngayon. hindi pala. saved by the bell ang nangyari.
oh, paano na ba yan? anong oras na at gising pa rin ako. sige na....
so long and goodnight bloggers!
2:40 am

0 Comments:
Post a Comment
<< Home