(O_o)
Monday, July 31, 2006
|ka-31 |\|g |-|ulyo, 2006, |_unes,
|-|uling /\raw
parang hindi kumpleto ang araw ko. ewan ko ba. sayang. last day pa naman ng blog ko. lipat na ko sa pangalawa ko. pero hindi rin. ayos na rin at nakasama ko SIYA_ _ _ nang magsimula ang buwan at nang matapos ito. diba?
naisip ko rin, isang buwan na pala kaming magkakilala. 31 days. parang angtagal na kung tutuusin. dati, stranger lang ang isa't isa para sa amin...pero ngayon. 31 days pa lang talaga.
bakit ba kapag hinintay mo ang oras, mas lalong matagal. pero kapag hindi naman, hindi mo mamamalayang nandyan na pala.
at bakit ba sinasabi nilang "tumatakbo ang oras."? eh kung para sa akin, naglalakad lang ito o dapat ko bang sabihing....gumagapang?
Sunday, July 30, 2006
HOLidaY
nandoon na naman si ate deb. tinanong niya ako kung bakit ako nalate. nag-explain ako. nagkwentuhan kami. napunta naman kami tungkol sa friendship namin ni SIYA_ _ _. nako talaga! sigurado naman daw siya na friends lang kami. nako! awts. pero ok lang. napag-isip-isip ko na rin naman yun. saka precious daw si SIYA_ _ _. first time daw kasi eh. (first time? ano namang ibigsabihin nun?). ewan ko ba. mukhang naninigurado na si ate deb. bigla namang dumating yung kuya niya. pinakilala ako pero parang deadma lang. nako. nabanggit din niya na nabasa daw niya yung poem ko na discern o when its the other way around. nako talaga. tinanong niya pa ako kung ako ba daw talaga yung may gawa nun. hindi ko lang masabi na kundi dahil kay SIYA_ _ _ hindi ko magagawa yun. inspired nga! tapos sabi ni SIYA_ _ _, lagi daw, kapag pagdating niya ng bahay, nagtatanong na mama niya kung kumusta na daw si arvin. nako talaga. totoo kaya yun? sabay banat ni ate deb na crush daw ako ng mama nila. joke lang pala. napansin naman niya yung necklace ko, yung dahon na gawa sa tahong. artistic daw talaga ako. haaay. parang yun lang. nako eh noh. hindi na ako nagtagal kasi alam kong may gagawin pa sila. nagpaalam na ako kay ate deb at sa mama nila. haay buhay talaga! soya! hinatid niya na naman ako sa baba, as usual. doon, nabanggit niya na may practice daw kami sa folkloric bukas. sabi niya umattend daw ako. sabi ko naman, parang naiilang na ko kanila maam. sabi niya ok lang yun. parang wala lang nangyari. yun.
nagpaalam na ako sa kaniya, bukas na lang. buti na lang at hindi umuulan. totoo ngang sumikat na ang araw at tila sa akin lang ito nakatapat.
glory to God!
Saturday, July 29, 2006
"Basta 'yun na 'yun...Wala lang....."
nagtrip ako. pinasarado ko yung room namin tapos naglagay ako ng isang upuan sa pinakagitna ng room at umupo at nagsulat ng poem. tyempo namang pagkatapos ko, dumating na nga SIYA_ _ _. nakita ko na nga SIYAng naglalakad sa rhs highway. nakapayong kasi sobrang lakas ng ulan. akala ko nga babagyuhin ako ng pag-uusap namin eh. basta! yun na nga, nag-usap kami. hindi niya raw alam kung paano niya sisimulan at sasabihin. pero nagawa niya. tinanong niya ako kung nasasaktan na ba daw ako dahil sa mga ginagawa niya. hirap din akong makasagot nung una, pero sabi ko ok lang yun sa akin. kasi sa loob ko lang, ako naman kasi yung pumiling gawin yun eh kaya ako dapat magsisi kung anuman maramdaman ko. diba? tapos, sabi niya rin, ang gusto lang daw niya, yung walang snobban. napakasuplado ko raw kasi lalo na nung kahapon. pinansin ko naman SIYA_ _ _ pero hindi yung katulad ng dati. ewan ko ba! nagsorry ako sa kaniya at sabi ko, iniisip ko lang SIYA_ _ _ palagi, lalo na yung mga sasabihin sa kaniya ng mga tao kapag pinansin ko SIYA_ _ _. sabi niya, "ano ba yun? wala akong karapatan?". wow naman. kakabigla talaga! sumikat na ang araw. naliwanagan na ako. tinanong niya pa ako kung ano pa raw yung mga hinanakit ko sa kaniya. sabi ko, hindi ko talaga alam, pero pakiramdam ko taken for granted lang ako. nagreact SIYA_ _ _. pinaalala niya sa akin yung more than friends relationship. nako talaga! tinanong ko naman SIYA_ _ _ kung ano na ba ako para sa kaniya. sabi niya, special friend na daw niya ako. gusto niya daw kasi ng isang friend na lalaki. gusto daw niya maranasan yun. hay nako talaga! nabanggit niya din na akala ko daw hindi niya naaapreciate yung blog ko. binasa pa daw niya yun mula pa sa simula kasama si pia. nako. ang cute daw nung picture naming dalawa dito. pero sabi ko sa kaniya, mukhang titigil na ako sa pagbablog ko. kasi parang wala nang patutunguhan. wala na akong mailalagay, pero una hindi ako sigurado, sa magiging resulta ng pag-uusap namin. sabi niya, ituloy ko lang daw yun, natutuwa daw kasi SIYA_ _ _ sa pagbabasa. yan hah! may reason na ko para magpatuloy! dumating naman kami dun sa isa kong entry na tungkol sa paghihintay. tinanong ko agad SIYA_ _ _ kung papayagan niya ba akong maghintay sa kaniya. hindi daw SIYA_ _ _ makakasagot kasi hindi naman daw sigurado kung mahihintay ko SIYA_ _ _ o ano pa man. sabi niya kasi 19 pa SIYA_ _ _ pwede. ano namang ibigsabihin nun? at kumusta naman yun? waaaaaaaaaaa. tagal pala. pero sabi ko, maghihintay talaga ako. sana lang. sana lang. totoo na ito. tulungan niya sana ako.
parang nag-iba bigla ang ikot ng mundo. mali pala ang malaki kong akala. mali talaga! maghihintay ako, special friend. special ka talaga. ibang-iba ang naramdaman ko! ayos! may pag-asa pala. yun lang naman ang hinihintay kong malaman.
tumambay pa kaming tatlo sa room namin. bagkwentu-kwentuhan pa ng kung anu-ano. nagtrip sa pagdodrawing. tae! ang kulit niya! kung anu-ano ba naman pinagdododrawing. naghihintay lang kaming mag-6 kasi diretso na SIYA_ _ _ sa church nila. ewan koba. lumagpas pa kami ng 6. hinatid namin si pia sa sakayan pagkatapos naming makipagtaguan sa mga pep mates niya. sumakay kami. ibinayad niya ako ng pamasahe kasi lagi na lang daw ako nagbabayad. nako talaga! tinanong ko SIYA_ _ _ kung anong oras SIYA_ _ _ magseservice bukas. sabi niya baka daw 1st, 2nd and 3rd. pero sure daw na nandoon SIYA_ _ _ sa 3rd service. sinabi ko rin na pupunta ako. pupunta ako. bumaba SIYA_ _ _ sa kapasigan at doon na natapos ang araw ko kasama SIYA_ _ _.
kakaiba talaga ang nangyari ngayong araw na ito. kumusta naman yun ika nga niya. haay! sarap ng buhay. basta alam ko lang na nandyan SIYA_ _ _ ayos na ang lahat.
19......matagal-tagal pa. pero pipilitin gawin kung nais talagang makamit ang gusto. kailangan talaga!
(pakiramdam ko ang daming kulang nitong entry kong ito. masyado kasing maraming nangyari ngayon eh. ahh basta! kami na lang may alam nun!)
Friday, July 28, 2006
If Your Ever Felt Wronged...
ano na ba talaga? kailangan pala eh. ano kaya noh? tapusin ko na lang itong one month sa blog ko tapos gumawa ako ng panibago. tama kaya yun? para kasing tapos na yung isang napakahalagang yugto sa buhay ko eh. isang napakahalagang yugto na hindi naman pinahalagan. kahi sabihin kong wala pa namang linaw sa kaniya kung anuman ang nangyayari, naduduwag pa rin ako kapag sinasabihan ko ni pia na kausapin SIYA_ _ _. totoo, naduduwag ako. parang hindi ko makakaya. baka bumaligtad lang ang sikmura ko sa sobrang kaba. sa sobrang nerbyos. naisip ko rin kanina, paano kaya kapag dumugo ang ilong ko? pamukaw atensyon kaya yun? wala lang. naisip ko lang. ang wirdo ko talaga. hindi ko pa kasi nararanasan yung dumudugo yung ilong eh. paano kaya yun? ahh basta, kung mararanasan ko man yun, sana huwag na yung matanda na ako, gusto ko habang ngayon pa lang maranasan ko na. ano nga kaya pakiramdam?
Anghel bang magliligtas sa kin
Mga mata’y kanyang minulat sa pagdadalamhati
Hinahanap sa kung saan
Pakpak na hindi mahagilap
“ninanais ko lang naman na maging ganap”
Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin
I'm Not Okay (I Promise)
I never want to let you down or have you go, it's better off this way.
For all the dirty looks, the photographs your boyfriend took,
Remember when you broke your foot from jumping out the second floor?
I'm not okay
I'm not okay
I'm not okay
You wear me out
What will it take to show you that it's not the life it seems?
(I'm not okay)
I told you time and time again you sing the words but don't know what it means
(I'm not okay)
To be a joke and look, another line without a hook
I held you close as we both shook for the last time take a good hard look!
I'm not okay
I'm not okay
I'm not okay
You wear me out
Forget about the dirty looks
The photographs your boyfriend took
You said you read me like a book, but the pages all are torn and frayed
I'm okay
I'm okay!
I'm okay, now
(I'm okay, now)
But you really need to listen to me
Because I'm telling you the truth
I mean this, I'm okay!
(Trust Me)
I'm not okay
I'm not okay
Well, I'm not okay
I'm not o-fucking-kay
I'm not okay
I'm not okay
(Okay)
Thursday, July 27, 2006
PERFECT WORLD (Without you I just can't find my way )
I never could've seen this coming
It seems like my world's falling apart, yeah
Why is everything so hard?
I don't think I can deal with the things you said
It just won't go away
In a perfect world
This could never happen
In a perfect world
You'd still be here
And it makes no sense
I could just pick up the pieces
But to you
This means nothing
Nothing at all
I used to think that I was strong
Until the day it all went wrong
I think I need a miracle to make it through, yeah
I wish that I could bring you back
I wish that I could turn back time
Cause I can't let go
I just can't find my way, yeah
Without you I just can't find my way
I don't know what I should do now
I don't know where I should go
I'm still here waiting for you
I'm lost when you're not around
I need to hold on to you
I just can't let you go
yeah, yeah
Wednesday, July 26, 2006
IDIOMS, IDIOTS, IDIOMS
DISCERN
Tuesday, July 25, 2006
When SUGAR turns BITTER.
kanina may nakapagsabi sa akin na nabasa niya daw ang blog ko. at nakakaduling daw sa sobrang haba nito. puro kasentihan daw. lalo na yung pictures naming dalawa, ang kyut daw. ganon daw talaga kapag in love. lagi naman daw akong in love eh. loyal pa daw ako. sabi ganon talaga. kahit papalit-palit ako, maipagmamalaki ko lang na one at a time lang. nasabi niya ring mortal sin yun. magaling! naitanong ko rin ang tungkol sa lovelife niya. sabi niya, ok daw na hindi. ang gulo! kaya inaya ko rin siyang magblog para malaman ko naman ang buhay niya hindi yung siya lang ang nakakaalam ng sa akin. nasabi ko rin sa kaniya, "masarap naman maraming may alam ng tungkol sa buhay mo eh". masaya daw basahin ang blog ko. marami daw siya natutunan. talaga lang hah? napatunayan niya yun nung nasabi niya akala din daw niya pareho lang ang mapait at mapakla. nako naman! natanong niya rin kung ano ang balak kong next post. binigay ko yung title na kasalukuyang title nitong entry na ito. at nag-usap kami ng tungkol sa title kong ito. marami akong natutunan sa kaniya. marami talaga.
- pg nkita mu un pgkatamis tamis nuh ngiti ng langit.. wak mu iintayin.. hyaan mu lan dmteng!ms msarp un bglaang pglitaw..ksa mtgalang pgiintay nuh ala amng ddteng..
- dv nga an pnkmssyang tao.. ang pnk puno ng klungkutan s loob..?
- kahulugan..pgbbgay mportansya s isang bagay..pgbbgay depinisyon..mnsan iba s pananaw ng iba..mnsan aman..prehu..pewu ms mdanda kun sriling katha dv..?
- isa lan an mkkpigil ng pgulong..c SIYA lan..xa an me hwak ng lhat ehh..
- s tngin mu b.. nde aman... nde aman s tadhana.. pewu kun nde xa an mkppgil.. s tngin mu p2loi kng mggeng gnian..? kun kw lan sna an nsunod.. mtgal ng tmigil an gulong..
- mnsan.. msa mdanda ng nsa ilalim.. ksa kla mu nsa ibabaw k nuh..
- nde pla tlga..? panaginip.. bangungot..pnu pla pg xa nuh un ngcng..? at nwala..
- kpg nwala nuh xa.. 2ld nga ng sv mu..kmikilos mgisa an puso mu.. ggcngin k nia.. xe ayaw k nia mgintay s swala ehh..
- nde xa bangungot.. panaginip xa..
- kea nga panaginip..bt tpus nuh b an panaginip nio..? nde p aman ahh.. ngccmula plan yn.. mdae png ksunod.. me ms mdanda.. mewun nmang nde kaaya aya..: paris ng 1 bangungot..
- nde aq nnwwala dun ehh.. s nver ending..pte s forever..kalokohan un..pra s mga taong tanga..kun mewun danun..bt ala png nkkrnas..?alang ngpp2nay..
- pnu kun..pgkbitaw mu..un nuh..bglanh an pagasa aman nia an umigting..
- bsta an dale isgut ng ewan..?at ng hinde..?pewu an "uu".. pran sbrang hrap ibulalas..
o paano ba yan jheanne? salamat talaga! sana matuwa ko na niyan dahil nakita mo na ang mga own words mo sa entry ng blog ko. salamat talaga! ewan ko na lang kung ano mailalagay ko sa entry kong ito kung hindi tayo nakapag-usap. nako! salamat! ahhh basta! hintayin kitang magblog! salamat!
Monday, July 24, 2006
[KAHULUGAN] - MAPAIT : MAPAKLA
dati, nung bata pa lang ako, kahit nga hanggang tumuntong ako ng elementary, hindi ko talaga alam ang kaibahan ng mapait sa mapakla. alam ko pagtatawanan niyo ako ngayong nalaman niyo ang kahangalan ko. dati, sa pagkakaalam ko, parehas lang ang dalawang bagay na yun. sa tuwing iinom ako ng vitamins dati, sinasabi ko sa mga kaklase ko, "ang pait naman nito", tapos sasabihin nila. "tanga mapakla!". "ano ba talaga?", sabi ko na lang sas kanila. dumadating pa kami sa point na magtalo-talo kami dahil lang doon. alam ko parehas naman talaga kasi yun eh. iba pala talaga. naliwanagan ako.
ngayon, alam ko na nga. mapait pala ang pagkakaroon ng taong minamahal. maaaring manghihinayang ka kung bakit mo pinasok ang mga ganoong bagay katulad ng pagkain mo sa ampalaya. pero sa bandang huli, ayos na lang din sayo yun kasi masaya ka naman sa ginagawa mo katulad ng pagkawala ng gutom mo. at mapakla naman ang nararamdaman mo dahil sa mga pinagagagawa mo. ito yung paghintay mo sa isang tao na katulad ng pag-inom mo ng gamot dahil kinakailangan. hindi mo man gustuhin, kinakailangan. hinahalintulad ko na lang itong mga nangyayari sa akin ngayon sa mga nangyari na sa akin noon. may natutunan na nga ako. malaking aral para sa akin ito. yung malaman ang kaibahan ng mapait sa mapakla.
malaki nga ang kaibahan ng mapait sa mapakla. paulit-ilit kong sinasabi sa sarili ko.
malaki ang kaibahan ng mapait sa mapakla.
IBIGSABIHIN ng KAHULUGAN ("...when its the other way around...")
Date: Monday, 24 July, 2006 5:53 PM
Subject: kmsta nmn un??!!................. :-(
Message:
Alam m, 2mwag c clara knina sa bhay. sbi nya aq dw ang pinag-uusapan ng ibng pep nung sat. eh wla aq nun, nagpaalam aq n d aq mkkatend. sbi nla naninibago daw cla sa akin. bkit dw iba pkk2ngo q sau compare ky Jomar (ung dting gs2ng manligaw skin). Mas pinapaburan ko dw ikw dhil aq dw ang my gs2 sau, when it's the other way around. It really sucks that I cried the moment I heard that. I know the fact that I can't please everybody, it just pisses me off. Ang aksyon na dpat na gawin ay manahimik at umiwas sa mga taong dpat na iwasan. Ayaw kong makipagplastikan, like what they're doing to me.
its the other way nga talaga. sana na lang hindi ko naramdaman ito sayo kung wala lang din akong matatanggap galing sayo. sana nga pinakinggan ko na lang ang ibang tao. na nagsasabing huwag ko nang ituloy ang binabalak ko. sa bandang huli daw kasi, ako lang din ang magsisisi. akala ko kapag binigay ko lahat ng makakaya ko, may babalik sa akin na gusto ko. yung bagay na sobrang makapagpapasaya sa akin. pero sa kabila ng lahat, hindi ko magawang tumigil. sana alam mo yun. isa nga kong malaking ewan. akala ko rin ayos na. kahit magtiis ako hanggang sa oras na pwede na ang mga bawal. kapag tama na ang mga mali. kapag nakakita na ang mga bulag. kapag nakararamdam na ang mga manhid. at kapag nagmahal na ang mga sawi.
hindi ko talaga malaman ang ibigsabihin ng kahulugan. ano nga kaya? siguro ang kahulugan ay ang tuluyang pagkalulong sa pagmamahal. siguro ang kahulugan ay pagkalubog sa kumunoy ng pag-ibig. siguro ang kahulugan ay ang pagkabaliw sa taong bumihag ng puso ko. siguro ang kahulugan ay ang pagpapakumbaba. siguro ang kahulugan ay ang pagkabanal sa tuwing kasama SIYA_ _ _. siguro ang kahulugan ay ang pagpapakita ng totoong sarili sa kaniya. siguro ang kahulugan ay ang pagkakaroon ng dahilan para maging masaya.....
siguro ang KAHULUGAN ay ang nangyayari sa akin.
nahulog na nga yata ako.
Sunday, July 23, 2006
DEFINE MEANING part 4 (let this sunday be holy, too...)
1 Vindicate me, O God,
and plead my cause against an ungodly nation;
rescue me from deceitful and wicked men.
2 You are God my stronghold.
Why have you rejected me?
Why must I go about mourning,
oppressed by the enemy?
3 Send forth your light and your truth,
let them guide me;
let them bring me to your holy mountain,
to the place where you dwell.
4 Then will I go to the altar of God,
to God, my joy and my delight.
I will praise you with the harp,
O God, my God.
5 Why are you downcast, O my soul?
Why so disturbed within me?
Put your hope in God,
for I will yet praise him,
my Savior and my God.
kumusta naman daw yun. narinig ko lang galing sa kaniya ang mga akmang salitang sinulat ko sa mga past entries ko. ganong-ganon. natanong niya din kung bakit umaga na ako umuuwi. napansin niya yun sa mga oras ng mga entries ko. sabi, may pinag-aaralan kasi ako sa field ng computer engineering at programming. pinaniwala ko talaga SIYA kasi totoo naman. sabi ko rin, iba na kasi ang may background na sa ganoon courses. hindi yung magsisimula pa ako. lumiko naman kami sa topic tungkol sa kukunin niyang course. hindi niya pa rin daw alam kung ano kukunin niya. sabi ko magnursing na lang SIYA pero sabi niya, gusto niya daw kaso mahirap daw pagsabayin ang nursing at pagsasayaw. sabi pa niya sasayaw na lang SIYA_ _ _ habang buhay. waaaaaaaaa. career? pwede. napagkwentuhan din namin yung pansinan naming dalawa sa school. sabi niya ako na naman daw ang unang mamansin. nako talaga! hindi rin daw SIYA_ _ _ sanay na SIYA yung unang mamamansin. saka angsuplasuplado ko daw kasi kapag nagkikita kami eh. sabi ko naman iniisip ko lang yung sitwasyon niya. baka kung ano naman kasi masabi nina maam arc at maam lising. ayoko naman SIYAng mapaano kanila maam. basta daw ako dapat yung unang mamansin. basta daw dapat mamansin ako. dapat daw. paulit-ulit SIYA. napansin kong magsisimula na ang next service at marami nang tao kaya nagpaalam na ako sa kaniya. magbibihis pa pala SIYA para sa next service. hinatid niya na naman ako as baba. nasalubong namin ang mama niya at si ate deb. nag-hi sa mama niya at kay ate deb. nakangiti na naman daw ako. syempre! nagpaalam na din ako sa kanila. pina-akyat ko na SIYA agad at pinagmadali ko na kasi baka malate din SIYA sa next service. hinintay kong mawala SIYA sa paningin ko nang tuluyan bago ako tuluyang umalis. malakas ang ulan nang sumakat ako. basang-basa ako tae! pero okay lang! may thrill! heheheh! at saka sulit naman ang 3 hours ko. umuwi ako sandali para magjacket at dumiretso ulit ako sa shop. tae! wala na talaga akong naitulong doon. nakikain ng hapunan. para ko na talagang pamilya ang mga tao dito sa shop. grabe. eto ako ngayon. gabing-gabi na nagbablog pa rin. may reason naman ang pagpupuyat ko, sabi ko nga kay ate deb.
ano namang ibig sabihin ng mga nangyari ngayong araw na ito. masaya. masaya talaga. sana naman maging way ito para maging close pa ako sa kaniya. sabi kasi ni kuya popeng, sa isang relasyon daw, kahit anuman ito, kung ka-love triangle daw natin si God, at kung lalapit kami kay God, mas mapapalapit din daw kami sa isa't isa. para bang kapag binawasan mo yung isang side ng triangel, dapat mo na rin bawasan yung other 2 para maging triangle pa rin siya. at saka sa ganitong way, mas mapapalapit pa ang mga corners nito na kumakatawan sa sarili mo, sa isa pang tao at most especially kay GOD. gets?
Saturday, July 22, 2006
DEFINE MEANING part 3 (I JUST SATurday...)
1.A statement of the meaning of a word, phrase, or term, as in a dictionary entry.
2.The act or process of stating a precise meaning or significance; formulation of a meaning.
3.The act of making clear and distinct: a definition of one's intentions.
mean·ing
1.Something that is conveyed or signified; sense or significance.
2 .Something that one wishes to convey, especially by language.
upcat review na naman. late ako kay maam nuds. waaa. hindi ako nakapagtest sa kaniya. kainiis. pero pinilit kong makinig ng mabuti at magrecite. yun lang naman ang trip ko kapag nagkaklase, magrecite. parang angtalitalino ko nung oras na yun. nagpapansin lang ako kasi wala akong magawa. nagpapaka-ewan. natapos ang chemistry nang parang wala lang. naalala ko si pia. kailangan ko na talaga siyang kausapin. kaso, hiyang-hiya talaga ako. ewan ko talaga kung anong dapat gawin. wala ang next teacher namin, si maam lorns. lagi naman siyang wala dati pa man. nung 3rd year kami. siya kasi yung statistics teacher namin ng 2nd sem yata yun. basta. nagkaroon na naman ako ng pagkakataon na makipag-usap kay pia, pero nahiya na naman ako. ang dami niya kasi kasama eh. ang kapal naman ng mukha ko kung ako mismo ang lalapit at kakausap sa kaniya. hindi ko rin naman inaasahan na siya yung unang lumapit kasi babae siya, parang ang pangit yata. imbis na kausapin ko siya, nagsoundtrip na lang kami ni jonell. tapos, natulog. tae talaga. hindi ko namalayang angtagal pala namin natulog. iniwan ko siyang natutulog nung nagising ako. nag-epti ako sa labas. epti?:
ep·ti [f.t. or foodtrip] n. act of taking meals or snacks
pagbalik ko, gising na siya at parang nakatulala. tumambay ako sa pintuan sandali habang kumakain ng magic flakes. nakita ko na naman si pia at hindi ko pa rin siya magawang lapitan at kausapin. wala pa rin. natameme. ni hindi nga ako nakalapit sa kaniya eh. habang naghihintay kami sa last teacher naming si terror rubio, sinabi ko kay jonell na hindi na ako aattend sa subject na yun kaya umalis na kami. sakto namang dating ni yoda. bwahahahah! sakto talaga! paglabas namin at nasa high way na kami ng rhs, nakita ko si clara na nagmamadali. tinawag ko siya at alam kong parang ewan ako. kasi tinawag ko pa siya kahit alam kong nagmamadali siya. tinanong ko kung nasaan SIYA_ _ _. sabi niya wala pa SIYA_ _ _. tinanong ko kung anong oras SIYA darating. sabi ni clara mga 2 pa daw. sabi ko rin maghihintay na lang ako sa kaniya. eh naalala niyang hindi na pala SIYA pupunta. waaaaaa. tae. kakadisappoint. akala ko pa naman makakausap k siya ngayong araw na ito. waaaa talaga! haay! ewan ko ba kung anong dapat kong gawin. tinamad tuloy ako kaya umuwi na lang ako. nakakawalang gana na magliwaliw. pagdating ko kanina sa bahay, natulog agad ako sa sofa namin. naku po! nakabihis pa ako. nagising ako ng mga 5. balak ko nang magbihis nun. kaso bumagsak ako sa kama ko ng hindi ko napigilan. nagising ako ng 7. naalala kong kailangan pala ako sa shop kasi maglilipat na kami ng pwesto. pagdating ko sa venue, waaaaaaaaa, nakapaglipat na sila. tumulong na lang ako sa pagkakable ng mga units. natapos kami ng mga 9. nag-trial at natapos. nagblog at nag-log out.
ewan ko ba. bakit ko ba SIYA_ _ _ lagi hinahanap-hanap? wala naman akong karapatan. maling-mali ang ginagawa ko. kainis. no choice naman ako. ano ba talagang ibig sabihin ng nararamdaman ko? DEFINE MEANING nga! hindi ko alam!
sa umaga't sa gabi, sa bawat minutong lumilipas
HINAHANAP-HANAP KITA...
sa isip at panaginip, bawat pagpihit ng tadhana
HINAHANAP-HANAP KITA...
HINAHANAP-HANAP KITA...
Friday, July 21, 2006
DEFINE MEANING part 2
nasabi rin niya na nainis daw si SIYA nung nalaman niya yung tungkol sa sinabi ni rovee kay sheila. hindi naman daw totoo yun at saka wala daw karapatan si rovee na makialam sa kaniya.
una, akala ko magiging napakawalang kwenta ng araw ko. pero ayos lang. at least nalaman ko. na kahit yata sa sarili ko lang, may pag-asa pa. ayoko lang mag-isip agad habang wala pang nangyayari.
i'll hope for the best na lang. kahit na manghinayang pa ako sa bandang huli.
sana hindi naman.
"This COURAGE... DISCOURAGED."
Thursday, July 20, 2006
DEFINE MEANING part 1
- ewan ko
- high
- lunes
- narda
- unwell
- she will be loved
- iris
- buloy
- crazy for you
- alumni homecoming
- minsan
- broken sonnet
- magasin
- jeepney
- (not in chronological arrangement)
habang kinakanta namin ang last song namin, crazy for you, dumating SIYA_ _ _. wala lang. tuloy pa rin kami na parang ewan. nung natapos kami, tinanong niya ako kung kumusta naman daw ako...(expression niya na talaga yun!). sinabayan SIYA_ _ _ hanggang sakayan pero parang wala lang ako. deadma. invisible pa yata! kina-usap si clara habang nasa byahe . may nalaman na naman! AWTS!
Wednesday, July 19, 2006
"O,PAQUE"...The Unholy Alliance
Ceteris paribus: 1. Literally (in Latin), other things the same. 2. Figuratively, all else being equal (staying the same). 3. In research, the effect of one variable when other factors remain constant.
research, takas na naman kami. naggugugupit na naman kami ng decorations. napag-usapan na naman namin yung parang pagiging android ng aming religion teacher. hindi daw proportionate yung left arm niya sa buo niyang katawan. physics naman. tae talaga si sir! pinakanta niya si elly ng isang kanta. wala lang. para lang siyang tanga. at napagtripan na naman ako! nakita niya kasi akong natutulog sa likod ng room eh. tinawag tuloy ako sa recitation. antok na antok na naman ako ng matapos ang physics. mapeh naman. nag-activity lang kami. nagdistribute din ng p.e. uniforms. nagpinoy henyo kami ni angge kaso pang-2nd lang kami sa best time. overtime din kaya kaunting time na lang para mag-lunch. rush sa lunch. english naman. naglesson lang. nag-cr kami ni quints at nasita kami ni maam aniana kasi daw, angtagal-tagal niya daw dumating, hindi pa namin nagawang umihi. tae. sabi pa niya teach ourselves daw next time. anggulo talaga! overtime na naman! ad chem. nagliwaliw uli kami ni jonell sa ir. nanggulo lang kami ng mga araw ng mga bata. bumalik sa room at kung anu-anng trip ang ginawa ko para huwag nang matulog. balik sa room, nagliwaliw uli kasama naman sina zeta at allan sa tapat ng room. tle. naggraded recitation na naman. hindi na naman ko natawag!
natapos ang tle at nagbihis ako ngpe uniform para sa practice ng cheerdance. kailangan ko na kasing magpractice kasi napag-iiawanan na nila ko sa steps. naging madali naman sa akin ang pag-aaral ng mga steps. inaabangan ko rin SIYAng lumabas ng gym. iniisip ko kasi may practice uli sila doon. habang nagpapractice naman kami, nakita ko si clara. at SIYA na nagpapractice din ng hindi ko malamang sayaw. kailangan bang ipakita sa akin yun? dedma lang naman ako kasi seryoso ako sa pagpapractice. naging lifter din ako sa cheerdance namin. nung binuhat ko na si barcs, hindi sinasadyang natuhod niya ang mata ko. halos mangiyak-ngiyak na ko sa sakit. kumuha si barcs ng yelo sa kanila. niyelohan ko yung kaliwang mata ko. wow grabe heavy ang lamig! nakaupo ako sa harap habang ginigawa yun. pasilip-silip naman si clara. ewan ko ba. gusto ko nang lapitan SIYA pero hindi ko magawa! marahil dahil sa taeng rovee na yun! tumuloy pa rin ako sa pagpapractice pagkarecover ko sa namaga kong mata. pagkatapos, nagmadali akong nagbihis at umaasang makakausap ko pa SIYA. pero huli na ang lahat! WALA NA SIYA! kung kani-kanino ko nagtanong kung nakita ba nila SIYA. walang may alam. puro hinagap. inaaya ko si jonell na lumabas ng campus dahil sa kaniyang mga nalaman na mga sinabi sa kaniya. ayaw ko lang uminit pa ang ulo niya. napag-usapan namin yung mga taong nagsalita sa kaniya ng hindi maganda nung wala siya sa room. competitive jbe daw siya. tae! alam ko si pj ang nagsabi nun eh! naikwento ko rin sa kaniya yung UNHOLY ALLIANCE na nabubuo sa loob ng classroom namin. na alam kong maraming sikreto ang tinatago sa isang paraang hindi paghihinalaan. nagkaroon na naman kami ng isang balak para sa isang PERFECT CRIME. matsempuhan lang talaga namin ang pagkakataon. maraming mailalabas tungkol sa bagay na iyon! mainit ang aming mata sa UNHOLY ALLIANCE na yun! we hope for the best na lang na maaccomplish namin itong perfect crime namin.
Tuesday, July 18, 2006
when i only had 2 hours to sleep
Monday, July 17, 2006
"AKING HILING SA ULAN "
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagpawi sa uhaw?
na kumikitil sa damdamin ng nagmamahal?
ang pagbuhos ba ng ulan ay paglinis sa isip?
ng mga aninong nakapalibot sa pusong nagliliwanag?
ang pagbuhos ba ng ulan ay kagagawan ng kalangitan?
na hindi mawari-wari ang kadahilanan nito?
ang pagbuhos ba ng ulan ay paglambot ng kalupaan?
na humihila sa mga paa ng mapangahas?
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagsunod ng bahaghari?
na maglalatag ng mga kulay sa kalangitan?
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagluha ng langit?
na sumasabay sa mga matang bumabaha ng alat?
ang pagbuhos ba ng ulan ay nanguna lamang sa araw?
na tanging hatid ay liwanag sa pagkatao?
ang pagbuhos ba ng ulan ay maghahatid ng bagong pag-asa?
na makakita ng magong kaluluwang iibigin?
ang pagbuhos ba ng ulan ay ang lahat ng ito?
na nagpapatunay sa isang nilalang na tulad ko?
sana'y hindi na bumuhos pang muli ang ulan...
kung bubuhos man ay sana'y wala ako.
humiwalay na sa amin si jonell na didiretso yata sa sn nang makasakay na kami nina fame, abby, jane at rejen. kaniya-kaniya na kaming umuwi pagkababa sa palengke.
ito ako ngayon. hindi ko alam kung bakit nawawala ang antok sa tuwing magbablog ako. haayy! sarap maging buhay nito! angsarap ng nakakapag-share sa ibang tao. at ganun din ang pakikinig sa mga kwento naman ng mga buhay nila. ang sarap talaga! give and take relationship lang sa pagbablog. kung gusto mong may malaman tungkol sa isa o maraming tao, dapat handa ka ring magpaalam sa kanila ng mga nangyayari sa buhay mo. ako, wala akong tinatagong anuman, hanggang sa wala akong tinatagon, ginagawang mali at taong nasasagasaan (teka...meron yata...hayaan mo na yun!)....
Sunday, July 16, 2006
"let sunday be holy..."
07/17/06
1:45 am
07/16/06
dahil sa pagtulog ko ng madaling araw. dahil sa pagtatype ko ng entry para sa blog ko. dahil sa pagprint ko ng mga pictures. dahil sa pag-iisip ko sa kaniya. sa madaling salita, dahil sa pagpupuyat ko, na naman, ala-una ako nagising. matagal na palang gising si kim bago pa ako makabangon. paano ba naman, sobrang aga niya natulog. naalala kong may lakad pa pala ako.pinipupunta pala ako ni SIYA_ _ _ sa church nila para umattend ng sunday servicce nila. alas-dos na ako nakaalis mula kanila kim dahil sa napakatagal naming pananghalian. alas-dos medya nakarating ako sa bahay at nagmadaling maligo, magbihis at umalis.
dumating ako sa church nila bandang mga 3:30 na. mabuti na lang, hindi pa nagsisimula. nagpepray pa sila nung oras na yun, nakita ko SIYA_ _ _ na nakacostume. may no. pala sila sa service nila. napansin ko rin ang isang babaeng may hawig kay SIYA_ _ _. hindi lang pala kahawig, kamukha niya. natapos silang magpray. nilapitan niya ako. sabi niya, magpeprepare lang daw siya. nilapitan din ako ng isang babae, pastora pala nila. nagpakilala ako at sinabing SIYA_ _ _ ang nag-invite sa akin. pinalipat niya ako ng upuan, malapit-lapit sa harapan. bigla ba namang umupo, a seat apart, yung babaeng napansin ko. nginitian niya ako at nginitian ko din siya. dumating SIYA_ _ _ at pinakilala sa akin ang ate niya. sabi na nga ba eh! SIYA_ _ _ ang umupo sa pagitan namin ng ate niya. seryoso ako sa pakikinig ng message. halos hindi na nga ako nagsalita. pero hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. tadtad na ng mga butil ng malalamig na pawis ang dibdib at tiyan ko kahit na air-conditioned namn ang church nila. bakit kaya? natapos ang service. kinausap ako ng ate niya. biglang banat ba naman ang ganda daw ng ngipin ko. nyaks! kailangan bang sabihin yun? iniwan kami ni SIYA_ _ _ habang kumakain para makapag-ayos. ewan ba. parang mas nakausap ko pa ang ate niya kaysa sa kaniya. nagtanong-tanong ang ate niya. una, kung ilang taon na daw ako. kung saan daw ako nakatira at kung anu-ano pa. kung nakita ko rin ba daw yung kuya nila. sabi ko oo. bigla daw kasing umalis pagkatapos ng service. bigla namang dumating ang mama't papa nila. pinakilala din ako ni SIYA_ _ _. waaaa.... nakakahiya! tuloy pa rin sa pag-iinterview ang ate niya. kung ano ba daw ang mga kukunan kong exam na mga course. sabi ko, unang-una architecture. nagulat ba naman. ano pa daw yung iba. sabi ko civil eng., comp. eng. at comsci. hindi ko maintindihan ang reaction niya. tinanong niya rin ako kung saan ako magco-college. sabi ko, kapag nakapasa, sa u.p. diliman. sabi pa niya sila ngang magkakapatid eh umiiwas sa math, tapos ako. tulad ng kinuha niya, education, at ng kuya nila psychology. bigatin. balak niya namna daw kay SIYA_ _ _ ay yung course na related sa dancing at may scholarship. pinapatutor niya nga sa akin si SIYA_ _ _ eh. wala akong masabi. hindi nagtagal, nagpaalam na ako sa kanila, sa ate niya at sa mama niya. yung papa niya naman, nasa hagdan, buti pinansin ako. natatakot daw SIYA_ _ _ sa papa niya. ewan ko ba kung bakit. hinatid niya ako sa baba at doon ay nakaupo yung iba pa niyang churchmates. inaya nila akong bumalik next week. sabi ko "OO". oo. may nagsabi na namang kahawig ko daw si mikee. tae talaga! at ingatan ko raw si kim...(kim?...ahhhh!). bago ko tuluyang umalis, nag-usap pa kami. (haay sa wakas!). napag-usapan namin si pia. pinakita ko rin sa kaniya yung mga pinrint kong pictures nila ni pia. pinaalala ko rin sa kaniya yung hinihingi kong pictures niya na pinasulatan ko sa kaniya ng dedication. nasa bahay daw nila. nabubulok na nga daw eh. sabi niya bukas na lang daw. saka yung sa akin, na dalo ko araw-araw. nagpaalam na rin ako kasi magsisimula na yung next service nila, baka ma-late pa SIYA_ _ _. yun na nga. nagpaalam at nagpasalamat SIYA_ _ _. gayundin ako.
naglakad ako mula kapasigan hanggang palengke nang may ngiti sa mukha. ang saya ko! moments with her na naman. umuwi ako, nagbihis, kumain at umalis na naman. nag-online, nakipagchat kay tin at abs, nag-update ng blog, pinabasa sa kanila, nagkwento kay tin, natapos ang isang oras, umuwi.
nanood ako ng you got served. kailangan kas namin ng dance moves para sa upcoming cheerdance competition eh. nagprepare para sa pagpasok bukas (este mamaya pala). nagsulat...
ito ako ngayon. adik na naman.
2:43 am
"Wasn't sure how deep the hole I was getting into..."
If i choose to wake up every morning with a smile on my face or see life or what it is..."
syempre, tungkol sa kaniya pa rin ang ikekwento ko. parang hindi na kagulat-gulat na SIYA_ _ _ na naman ng topic nito.
hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. ewan ko. pero parang hinahabol-habol ko pa rin yung mga bagay na mayroon siya na sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anu-ano yun. sabi nila:
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
pagkagising sa umaga, ikaw ang gustong nakikita
kapag ako'y kumakanta, yun ay dahil naiisip ka
at tuwing kumakain, sana ikaw ang nakahain
oh ang pangarap ko lang sa buhay ay isa...mapasakin ka
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
lahat ng pwede ginawa ko, para lamang mapansin mo
ngunit talagang sarado, ang mahal kong puso mo
hinahangad ko lang sa buhay ay isa...sana'y akin ka
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?
so come on up to me and and close the door...
nobody's made me feel this way before...
you're everything i've wanted and more.
to speak or not to, where to begin?
the great dilemmas, i'm fiding myself in
for all i know you only see me as a friend
i try to tell myself wake up fool...
"This fairy tale's got to end!"
haay. anong oras na talaga! akalain mong nakagawa ako ng ganito sa ganitong oras. adik na nga yata ako. ewan! huwag lang sana kayo magpapa-apekto sa kaadikan kong ito. tuloy niyo lang sana ang pagbabasa sa blog ko. maraming salamat sa inyo. bow.
adik sa'yo, awit sa akin
bilang sawa na sa 'king mga kwentong marathon
tungkol sa'yo at sa ligaya
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko'y IKAW
***
sa umaga't sa gabi
sa bawat minutong lumilipas
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
sa isip at panaginip
bawat pagpihit ng tadhana
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita...
sabik sa'yo kahit maghapon
na tayong magkasama parang telesine
ang ating ending, hatid sa bahay mo
sabay goodnight, sabay may kiss
sabay bye bye
***
"...pilit ko mang ika'y limutin, lagi kong natatagpuan,
ang iyong tinig at awitin tuwing sasapit ang ulan,
at ang pinagsamahan, mukha yatang nilimot na,
ang puso mong biglang lumisan...
may kapiling ka nang iba ('wag naman sana)..."
***
sinusumpa sa ceremony hanggang uwian araw-araw,
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
at kahit pa magka-anak kayo,
magkatuluyan balang-araw,
hahanap-hanapin ka
hahanap-hanapin ka...
130 minutes late...
07/15/06
2:10 am
alas-tres na ako nakauwi sa bahay. madaling araw na naman syempre. alas-kwatro natulog nang hindi nakakapaghanda para sa pagpasok sa upcat review.
late ako nakapasok dahil dito. nagtetest na sila nang dumating ako. dramatic entrance. maraming nagtinginan sa akin. una kong hinanap ay yung bestfriend nga ni SIYA_ _ _. nakita ko siya pero wala lang. nagmadali ako sa pagtetest ng physics. buti na lang at natapos ko. naging boring ang klase namin kasama si maam ferrera. angginaw-ginaw pa naman. ang sarap matulog kaso naisip ko kailangan kong serosohin ang pagrereview. biglang dumating si maam eden, yung next teacher sana namin. nagpaalam siya na hindi siya makakapasok sa amin dahil sa isang "very very very important" na bagay. ayos sa lahat ang narinig namin. syempre, vacant subject na naman. wala nang nagreklamo nung nag-overtime kami sa physics kasi alam naman naming wala nang susunod na subject maliban sa math. inaya kong mag-online sina jonell at fame pero makalipas lang ang ilang minuto, na dahilan ng pagliliwaliw ko, nawala silang bigla. sumunod na lang kami sa sn kasi dito ang pinag-usapan naming lugar. nandoon nga sila. at si fame, katabi na naman ni ramonskie. ewan ko bang kung anong meron sa pagitan nilang dalawa. meron akong pakialam pero parang wala akong karapatan. una, hindi ako nakapagblog. inaya kasi ako nila quints at jose na mag-counter na lang. naglaro kami at kasali din sina ramon(dboynxtdoor) at tino(dayday). pagkatapos namin, nagblog na nga ako. parang naiinggit si quints sa pagbablog kaya gumawa siya ng account sa tulong ni jonell. hindi sapat ang oras na meron ako para tapusin at ipublish ang tinatype ko. may nakita rin kaming sombrerong naiwan sa sn. kinuha namin ito kasi orig. penshoppe ba naman ang tatak nito. maayos pa at maganda. bumalik kami sa school. kaiming anim na naman. nagkakalokohan pa kaming magmall kaso wala kaming mga pera. nag-epti sa tapat ng school at nang pagbalik namin sa room, nandoon na si sir. matagal na pala siyang nagsimula sa pagtuturo sa room namin. pumasok pa rin kami kahit nakakahiya. dramatic entrance na naman. naging ayos naman ang klase namin kay sir pache. pero matulog-tulog pa rin ako. araw-araw na lang. si jonell naman, tae, hindi umattend sa amin, nag-sit-in sa room 2, kay maam lorns. tae talaga yun. overtime na naman. pero okay lang kasi last subject na naman. pagkatapos, sinabi sa akin ni quints na tinext daw siya ni SIYA_ _ _ na sabihin sa akin na lapitan ko daw at kausapin yung bestfriend niya kasi may importante daw itong sasabihin sa akin. eh huli na, nakauwi na si pia. nanghinayang ako. kung bakit pa kasi ako nagliwaliw pa kasama ang iba kong classmates at dahil sa lintsak na sabayang pagbigkas na yan na wala rin namang pinatunguhan. nag-aya na akong umuwi kasi may meeting pa kami. nakisabay ako kina tin, fame at dayday. kasama rin si quints kasi kukuha daw siya ng allowance sa convention. hinatid ko si tin sa sakayan ng pasig-junction/tramo kasi sa jolibee palengke ang meeting place namin ng mga kabrad ko. matagal akong naghintay doon bago sila dumating. nanundo pa kami ng iba pa sa pinagbuhatan kasi talagang kaunti lang kami. dahilan ng napakaraming dahilan. hindi natuloy ang meeting namin. nagbantay na lang ako sa shop. hiniram ko rin yung cellphone ng kaibigan ko para itext SIYA_ _ _. naghintay ako ng medyo sandali. salamat at nagreply siya. sabi niya may importante daw siyang sasabihin sa akin. nagulat ako at nagtaka kung ano yun. yung para pala sa sunday service ng church nila. kasi sabi ko pupunta ako doon. hindi ako sigurado nung una kasi alam ko wala akong makakasama doon. eh ano ba daw ginagawa niya? nyahahah! natuwa ako nung mabasa ko yung text nyang yun. kaya pumayag na rin ako na pumunta. tinanong ko rin SIYA kung makakapg-usap kami doon. baka kasi kung anong sabihin sa kaniya ng mga tao doon. sabi niya, hindi naman daw mga malisyoso ang mga pag-iisip ng mga tao doon sa kanila. haayy...pumapabor sa akin ngayon ang pagkakataon. sabi ko na lang na itetext ko na lang siya uli ng maaga. before 3 pm. kasi yun yung napag-usapan naming time. sabi ko pa, "Gud nytie nytie nd better nyts nd switer drims...(c",)". tae. yun.
nandito ako kanila kim ngayon. wala kasing magawa. nagpipiprint lang ng mga pictures namin. syempre meron SIYA_ _ _. tulog na nga itong si kim eh. tae. lagi na lang siya ang unang natutulog sa tuwing nandito kami sa kanila.
akala ko talaga magiging walang saysay ang araw ko ngayon. hindi pala. saved by the bell ang nangyari.
oh, paano na ba yan? anong oras na at gising pa rin ako. sige na....
so long and goodnight bloggers!
2:40 am
Saturday, July 15, 2006
Re: bakit ba ako nagkakaganito? ako lang ba? (jEnNiFeR)
nAa2dEk knA.. gEgEgE gO!! kyA mU yan..
unG tnOnG mOnG,, kAw LnG bA??
asA!! pAkxhEt.. aqOh dEn nOh!!
anO,, hirAp nOh?? pawA kA xEnG UmAasA sA wLA..
tpOs.. kUnG anU anO pa g2win pAwA LnG
ipAaLam xkAniLa kUnG anOnG nRa2mdAmAn nTen..
kxO.. sA ksmAanG pLAd,, nAapReciAtE bA??
afTEr aLL thE effOrts.. afTer nTenG mGinG
mUkAnG tAngA aT gAgO sA hrAp nG mdmEnG taO..
wLA LnG Un xkAniLA!! nka2LokO nOh?? pAkxhET..
tpOs pinAkAmsAkLap pA dUn,, nUnG tYm nA aLAm
nA niLa.. wLA xLAnG cOmMenT!! xEmpRe..
kpAg mE nigwA tAunG bgAy,, tpOs nkitA nA niLa..
nAg-a2ntAy tAu nG mx2bE niLA!! pAkxhEt nmAn Oh..
hAy sAUcE.. hAhAhA!! nt2wA qOh xAu.. gyA nG
pAgt2wA qOh sA sriLi qOh.. tgnAn mU,,
hAnGgAnG ngyOn.. wLA pA dEn!! wLAnG nAnGy2ri
sA mgA ginwA qOh!! mhirAp tskA mxkEt xE kUnG
g2wEn mU Un sA tAOnG MANHID!! pAkxhEt..
tAngA qOh xE eh.. bkT pA xE MANHID UnG tAOnG
mhAL qOh eh.. xnA UnG iyO, khiT kOntE.. hnD xA
mAnhiD!! pArA nmAn mE wOrth UnG pGxu2Lat
mU sA bLOg mU.. UnG pGgAstOs mU nG pErA..
UnG pAgpu2yAt mU.. db!! wiSh qOh Lng!!
aqOh xE nGxu2LAt dEn aqOh sA ntbk nG gnyAn..
eH nUnG nbsA nyA nA.. wLA Lng!! wLAnG
cOmMents.. spEecHLEss!! pAwAnG.. "ay mUkA
kA pLAnG gagO xHi epUr??" tAngnAng yAn Oh..
tpOs khiT gnOn.. npAkA impORtAntE pA dEn xkEn
nUnG nTbk qOnG Un!! wLA LnG.. shArinG LnG
kALA mU xE kAw LnG gnyAn.. hAy bUhAy!!
tgaL nA nOn.. mgA 7 mOnths nA!!! unTiL nOw..
i'm hOpinG?? Uhm.. pEwO hnDi nA mxdO..
xbE pA nyA xkEn nUnG bkAsyOn.. "iF evER nA
mAnLigAw aqOh xAu uLEt.. wAk knG p2yAg in aNy
cOSt hUh??" pAkxhEt.. xkEt!! Lge qOh ngAng
nitA2nOnG sA sriLi qOh kUnG WAIT oR GO eh!!
hnDi qOh pA rEn mxgOt hnGgAnG ngyOn..
pewO i tHink.. WAIT UnG nipiLi qOh?? xE tgAL2x nA
eH.. w8nG 4 him 2 nOtiCe mE.. w8nG 4 him 2 cArE
4 mE.. w8nG 4 Him 2 LOve mE agEn!! wAAaahhh..
pEwO sA kbLanG sidE, i'm nOt w8nG 4 him..
i'm w8nG 4 d RyT gUy.. anG tgAL nGa eh!! hEkhEk..
ayOs dEn yAn tOL..pAmpAtAbA!! hEkhEk..
hiyAnG xkEn eH.. pewO nka2LungkOt dEn!! hAy..
ewAn kO??? ewAn kO tLga.. i'm sO hOPeLess!
xnA pOh.. LanG mka2LbAs??? xtEn LnG UnG niwEn2
qOh!! di atA aLAm ni kim yAn eH.. wAk mU nA LnG
bihEn!! xLAmAt.
Friday, July 14, 2006
Fourteenth of July
pang-1 week ko na itong ginagawa sa buhay ko. nakakasanay kasi yung laging wala sa bahay. nakakatamad yung palagi ka sa bahay. nakakasawa na rin yung mga tao sa bahay. yung mga mukha nila.
natapos ang araw nang hindi ko man lang SIYA_ _ _ nakita. kainis! kasi naman yang lecture na yan eh! tae talaga! ewan! dadaan pa ang sabado at linggo nang hindi ako makakasilay.
Thursday, July 13, 2006
Naiinip Ako Sa Ikot ng Mundo
maghihintay ako sa'yo..
- sana makita mo...
- sana maramdaman mo...
- at sana marinig mo...
haay nako. napakinggan nga niya. speechless pa rin as usual. kainis! pina-add niya rin sa akin yung bestfriend niyang si pia. at tinanong niya ako kung crush ko ba daw ang bestfriend niya. tapos, tinanong ko SIYA kung pwede ba ipabasa yung blog ko kay pia. (para na rin malaman niya ang sagot). bigla ba namang nagpaalam. ewan! nag-iisa na naman ako. walang iba kundi si jonell lang ang kasama ko. nung una naging masungit ako sa kaniya kasi ayaw kong ibigay ang ym id ni SIYA. sabi ko ayaw ko na siyang madamay. para ngang nagtampo siya eh. kaya nag-sorry ako. ewan talaga ako! naglog-out ako ng walang sabi-sabi.
gusto kong magpaka-ewan kaya binuhos ko ang problema sa bote. oo. isipin niyo na ang lahat. wala akong tinatago. alam kong hindi ito ang paraan para mawala ang problema. may nagtulak lang talaga sa aking gawin ito. hindi naman ako nagpakalango sa pagkakataong ito. pasensya na. kung mababasa mo man ito. patawad. alam ko kaya ko ito kung tutulungan mo lang sana ako.
pagkatapos ng kabaliwan ko. nagpagupit ako. yan ha! wala na akong masasabi kong may makapansin man na nagbabagong-buhay ma ako. hindi ko nga alam kung pwede na itong gupit ko kay sir bernard eh. pero ayos na rin. ayoko kasing magmukhang bata. isang totoy.
huwag niyo sanang isiping nawiwindang ako sa mga oras na ito. nasa tama pa akong pag-iisip.
gabi na mga tagasubaybay. sa susunod na lang uli o dapat ko bang sabihing bukas na lang. sige na.
Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo
EWAN KO.
Gusto mo yata kasama ka parati
Pero ewan ko, ewan ko
Naubos na ang pera sa kakalakwatsa
Gusto mo yata parati kang kasama
Pero ewan ko, ewan ko
Refrain:
Napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang pigilan
Napapalingon tuwing ika’y dumadaan
Napapangiti, hindi ko alam ang dahilan
Alam kong hindi pwepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo
Susmaryosep, ‘yung dila ay sumabit
Mapahiya na, ‘di na makalapit
Pero ewan ko, ewan ko
Pero napapansin mo na yata
Nakakahiya naman
Gusto lang naman kitang pigilan
Napapalingon tuwing ika’y dumadaan
Napapangiti, hindi ko alam ang dahilan
Alam kong hindi pwepwedeng maging tayo
Pero minsan nag-iiba ang ikot ng, ang ikot ng mundo
Wednesday, July 12, 2006
Ang Isang Barya ay Mayroong Dalawang Mukha...(Ewan)
- Lunes (Join The Club)
- Ewan Ko (Soapdish)
- Hanggang Kailan (Orange and Lemons)
- Gemini (Spongecola)
- Nasaan Ka (Pupil)
bumili kaming muli ni jonell pagkatapos ng research. nagpa-long test si sir paja at natunaw ang utak ko kaiisip. pagkatapos ng nakakabaog na test na iyon. nagpasulat si sir ng message para sa isang tao sa loob ng room. umikot ang aking mga mata para humanap ng masusulatan. ngunit wala. kaya, si sir na lang ang sinulatan ko. anyone inside the class pala eh. kaya iyon. pangalawang nabasa ang sulat ko para kay sir. marami ang nagtawanan na parang ewan. malay ko ba kung bakit sila nagkaganon. seryoso naman ako sa sinulat ko. nakisakay na lang ako sa kanila. nag-lunch pa kami kahit alam na naming susupendido ang klase. nagpaalam si jonell sa akin na mag-e-sn siya. nagpaalam din ako sa gagawin ko. naghiwalay na kami. nasa tapat ng room ng IV-2 si SIYA_ _ _. una, nagpapaka-ewan pa ako para mapansin niya. nilapitan ko si clara at nagtanong-tanong. nalaman kong crush din pala ako ni SIYA. yun lang naman ay sabi ni clara. pinilit kong manatili sa katahimikan ng aking sarili. ayaw kong magpahalata. at mas gusto niya raw ako kaysa sa crush niya sa varsity. binalikan namin SIYA. tumungo sila sa fencing room at kami nina allan at zeta, naiwan sa tapat ni rizal. matagal din kaming tumambay doon kasi matagal din sila bago dumating. napag-kwentuhan naming dalawa ni zeta kung ano na raw ang desisyon ko. sabi ko sasali talaga ako sa folk. ewan ko ba. seryoso ang usapan namin ni zeta ngayon. biglang nawala si allan na hilo na sa paghahanap kay yeza. masaklap ang nangyayari sa kanilang dalawa ni yeza. hinahanap pa niya, nakauwi na pala. tinext niya si yeza ng "thank you". ewan ko ba. masakit sa kaniya yun alam ko. dumating na nga sina SIYA_ _ _ at clara. wala daw practice. lumabas kami ng campus at balak na pumunta sa dorm nina SIYA sa kapasigan. kaya sumama kami ni zeta. si allan naman, umuwing nag-iisa. umuulan pa rin. hinatid namin ang mga pasong hiniram ni SIYA sa dorm nila. para daw yun sa aniv. ng church nila sa friday. pagkatapos nun, wala kaming mapuntahan. kusa na lang kami naglakad pabalik sa school. nagugutom na raw si clara kaya pumunta kaming ministop malapit sa ingen. tumambay kami doon. binilhan ko SIYA ng vanilla ice cream. hindi ko alam, may ubo't sipon pa pala siya. sabi lang din yun ni clara. nagkwentuhan. at kagaya pa rin ng dati, speechless pa rin siya. pero hindi naglaon, nagkwento na rin siya. tungkol sa pamilya niya. at kaugnay sa nangyayari sa amin. nabanggit din nina clara at zeta ang nasabi ko sa kanila kagabi sa jeep. na "ayos lang na hindi maging kami, basta, gusto ko lang sana na yung relationship ko sa kaniya ay more than a friend, pero hindi lalagpas sa pagiging kami, kung hindi talaga pwede." nanliit ako nung una pero pinilit kong makaya yun. bumili ako ng maiinom para na rin masabi ni SIYA sa kanila ang sagot niya. bumalik ako. at sabi nila na ayos lang daw kay SIYA yun. masaya ko nung narinig ko yun. mahirap daw talaga magtago ng ganun sa pamilya lalo na sa ate niya. hindi talaga pwede. ayos lang talaga sa akin yun. lumabas kami ng mini-stop at hindi pa rin namin alam kung saan na kami pupunta. nag-aya kami ni zeta na mag-online. kaya yun. inaaprove niya yung friend request ko sa kaniya. nagchat kami kahit nasa iisang comp. shop kami. para nga kaming ewan. nagtestimonial ako sa kaniya. syempre may advertisement pa rin ng blog ko.
the testimonial.
si sharyl ba? ahh...una ko siyang nakita sa practice namin sa streetdance a day before nung contest. wala lang...nagpakilala at nagkaroon lang naman ako ng something sa loob ko na hindi ko mai-explain. pero sa ngayon, wala kong ginagawa kundi intindihin ang sitwasyon between us.
another thing is christian siya. isa yun sa mga reasons kung bakit ko siya nagustuhan. haay nako talaga!
so paano ba yan? wala na kong masasabi 'bout this girl. kung gusto niyo visit na lang kayo sa blog ko para mas malaman niyo pa yung mga nangyayari....
http://ajmanalo.blogspot.com
Maaari Ko Bang Ibahin Ang Ikot ng Mundo....Ewan Ko.
sa loob ng 7 oras naming magkasama. para akong ewan. hindi ko maintindihan kung ano na ba talaga ako para sa kaniya? kung may pag-asa ba talaga ang pinaggagagawa kong ito. kung may lugar pa nga ba ako sa puso niya. kung may paraan pa bang maging akin siya. kung hanggang kailan ako maghihintay para sa kaniya. kung matutupad pa ba ang kabaliwan kong ito. kung magigising pa ako sa napakulay na panaginip na ito. kung karma ba ang may gawa nito. kung hindi ba siya tinadhana para sa akin. kung ayos lang ba sa kaniya ang napakalaki kong pabor. kung may Diyos bang nakaririnig ng aking hiling. kung may mga tao bang makaka-initindi ng lahat. kung makakayanan ko pa bang maghirap. kung lahat ba sila ay tutol dito. at kung maari ko bang ibahin.....ang ikot ng mundo.