|ka-31 |\|g |-|ulyo, 2006, |_unes,
|-|uling /\raw
pumasok ako nang 8:30 at walang pangamba. alam ko kasin excuse na ang buong pilot dahilan ng cheerdance. pagdating ko sa school, nagpapractice na nga sila. tumulong din naman ako sa paggawa ng mga pompoms nila. hirap nga eh. tapos nagliwaliw. naglunch kami ni jonell at bumili ng tubig sa canteen by the gym. napag-alaman naming cheerdance competition na pala ng mga 3rd year nang oras na yun kaya nagmadali kami sa gym. halos tapos na lahat ng makapasok kami. nako. nanalo ang III-6 at 2nd naman ang III-1. bwahahah! bumalik kami ng room pagkatapos. nagpunta ako sa room ng acts at nakipagkwentuhan kanila tinay, ramon at mavic. adik na mavic yun! dami namin napagkwentuhan. tungkol sa college courses at schools, tungkol sa mga gay teachers at tungkol sa mga nangyayari sa paligid ng pilots. nako. tapos, nagformation na ang acts, amos at chronicles, at handang nang magpunta ng gym. nagblocking muna sila isa-isa. napansin kong nandoon pala SIYA_ _ _. nako. feeling niya siguro iniisnab ko na naman SIYA_ _ _. paano ba naman, katabi niya si rovee/rovy. kaya yun, iwas. ilang. unang nagperform ang amos. astig! lupit talaga ng mga moves nila. at wala kayo, si naam ang cheerleader. nako. astig talaga! pati si kuya fel. kasama pa ang hayop na drum beats ni ken. sumunod naman ang acts. nako. kalat. ayos sana kaso hindi ayos eh. astig na sana yung beat ni thresa na halos nakapagpatulo ng laway ni pao. at kami na! at ako pa ang sa drum beats! una nagkamali ako. buti na lang hindi nagplay yung music nila kaya pinaulit kami. 2nd time, natama ko naman. napansin ko lang, parang lahat sila nakanganga. lalo na si ck at si seat-in ng unholy alliance. tapos si remle boy nagkakalat. tae. ako pa rin pala ang magbi-beat sa ending ng routine nila. nako! nagkamali pa ako. ang nagawa kong beat ay yung ginawa ng 1st 2 sections. lagi na lang kasi yun yung narinig ko buong competition. tae talaga! tapos announcement ng winners. biglang dumating si joanne. nilapitan ko. naririnig ko na yung announcement. 3rd ang acts. at ang 2nd, chronicles. ibigsabihin, 1st ang amos. feeling ko tuloy sinabutahe ko yung routine nila para matalo sila. pero hindi ganoon. tumulong lang ako kaso parang hindi tulong yung nagawa ko. hiyang-hiya talaga ako. paglabas namin ng gym, nasa likod pala sina SIYA_ _ _. lumabas kami at sila, pumuntang fencing room. nakita ko naman si clara na papuntang amang, tinawag ko SIYa_ _ _. sabi ko hindi siya nagpapakita nitong nagdaang araw. napag-usapan din namin yung tungkol sa nangyari nung last last saturday. about dun sa pep forum. ang gulo! hindi ko siya maintindihan! tapos dumating sina SIYA_ _ _ at niña. lumabas silang lahat at naiwan ako doon. kaya pumunta na lang ako sa gusali. nakipag-usap uli kanila jules at joanne. tapos inayang tumambay sa bench. napansin kong pabalik-balik sina niña at SIYA_ _ _ at clara. nako. hindi ko alam kung ano iniisip niya habang nag-uusap kami. tinitignan ko lang kasi SIYA_ _ _. nako talaga! tapos nung pumasok uli sila sa fencing room, pumunta kami kanila kuya popeng kasi birthday. pinagpray siya ni kuya fel. kinantahan ng ballad, rnb at rock version ng happy birthday song. nakit namin si kuya tim sa computer room at nakipag-usap muna tungkol sa praise and worship this friday at tungkol sa special no. namin. anniv na kasi ng church. tapos inaya si max na bumalik ng school para tingnan yung naiwan kong cd ng hillsong sa room at para na rin tingnan kung nandoon pa SIYA_ _ _. nakita ko yung isa niyang pep mate at tinanong ko kung nandoon pa si clara. sabi niya, "oo, andoon pa si SIYA_ _ _". nako. alam niya pala. balita nga naman, may pakpak. tapos pinauna ko na si max kasi uuwi na daw siya kay naghintay ako sa hi-point. mga 15 mins. yata yun. nakipagkwentuhan kay ate flor at kay kuya. nakita ko na rin silang lumalabas ng gate at hindi lang sila, kasama nila sina maam arc at maam lising. nako! todo tago ako sa gilid ng tindahan nina ate. nung makalagpas na, lumapit ako sa kanila. tinanong niya ako kung bakit daw nandoon pa ako. sabi ko galing ako sa pastor namin. sumakay kaming apat nina niña, clara at SIYA_ _ _. kung anu-ano pinagkwentuhan nila sa jeep. parang mga ewan lalo na si clara kahit may sugat na sa binti. they belong daw kasi eh. tapos nagpaalam na SIYA_ _ _ sa amin kasi kailangan na niyang bumaba sa kapasigan. tinignan ko SIYA_ _ _ hanggang mawala SIYA_ _ _ sa paningi ko. tatlo na lang kami naiwan sa jeep. tapos bumaba rin sila malapit sa munisipyo. nako, mag-isa na lang ako....
parang hindi kumpleto ang araw ko. ewan ko ba. sayang. last day pa naman ng blog ko. lipat na ko sa pangalawa ko. pero hindi rin. ayos na rin at nakasama ko SIYA_ _ _ nang magsimula ang buwan at nang matapos ito. diba?
naisip ko rin, isang buwan na pala kaming magkakilala. 31 days. parang angtagal na kung tutuusin. dati, stranger lang ang isa't isa para sa amin...pero ngayon. 31 days pa lang talaga.
bakit ba kapag hinintay mo ang oras, mas lalong matagal. pero kapag hindi naman, hindi mo mamamalayang nandyan na pala.
at bakit ba sinasabi nilang "tumatakbo ang oras."? eh kung para sa akin, naglalakad lang ito o dapat ko bang sabihing....gumagapang?
parang hindi kumpleto ang araw ko. ewan ko ba. sayang. last day pa naman ng blog ko. lipat na ko sa pangalawa ko. pero hindi rin. ayos na rin at nakasama ko SIYA_ _ _ nang magsimula ang buwan at nang matapos ito. diba?
naisip ko rin, isang buwan na pala kaming magkakilala. 31 days. parang angtagal na kung tutuusin. dati, stranger lang ang isa't isa para sa amin...pero ngayon. 31 days pa lang talaga.
bakit ba kapag hinintay mo ang oras, mas lalong matagal. pero kapag hindi naman, hindi mo mamamalayang nandyan na pala.
at bakit ba sinasabi nilang "tumatakbo ang oras."? eh kung para sa akin, naglalakad lang ito o dapat ko bang sabihing....gumagapang?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home