Sunday, July 30, 2006

HOLidaY

3:15 na ako nagising. nako, alam kong malelate na ako sa service. lagot ako sa kaniya. anong oras na naman kasi akong natulog. nagmadali agad ako. wala nang arte arte. kainis ka ang traffic, nananadya. umuulan pa. pagdating ko doon, nasalubong ko SIYA_ _ _ sa pinto. ewan ko ba kung bakit SIYA_ _ _ nandoon. tapos umupo na kami. hiyang-hiya ako kasi parang ako lang ang nalelate doon. nako, tinanong ko kung anong oras na, sabi niya 4:40 na raw. waaaaaaa. mahigit 1 oras akong late. tinapos namin ang service...

nandoon na naman si ate deb. tinanong niya ako kung bakit ako nalate. nag-explain ako. nagkwentuhan kami. napunta naman kami tungkol sa friendship namin ni SIYA_ _ _. nako talaga! sigurado naman daw siya na friends lang kami. nako! awts. pero ok lang. napag-isip-isip ko na rin naman yun. saka precious daw si SIYA_ _ _. first time daw kasi eh. (first time? ano namang ibigsabihin nun?). ewan ko ba. mukhang naninigurado na si ate deb. bigla namang dumating yung kuya niya. pinakilala ako pero parang deadma lang. nako. nabanggit din niya na nabasa daw niya yung poem ko na discern o when its the other way around. nako talaga. tinanong niya pa ako kung ako ba daw talaga yung may gawa nun. hindi ko lang masabi na kundi dahil kay SIYA_ _ _ hindi ko magagawa yun. inspired nga! tapos sabi ni SIYA_ _ _, lagi daw, kapag pagdating niya ng bahay, nagtatanong na mama niya kung kumusta na daw si arvin. nako talaga. totoo kaya yun? sabay banat ni ate deb na crush daw ako ng mama nila. joke lang pala. napansin naman niya yung necklace ko, yung dahon na gawa sa tahong. artistic daw talaga ako. haaay. parang yun lang. nako eh noh. hindi na ako nagtagal kasi alam kong may gagawin pa sila. nagpaalam na ako kay ate deb at sa mama nila. haay buhay talaga! soya! hinatid niya na naman ako sa baba, as usual. doon, nabanggit niya na may practice daw kami sa folkloric bukas. sabi niya umattend daw ako. sabi ko naman, parang naiilang na ko kanila maam. sabi niya ok lang yun. parang wala lang nangyari. yun.

nagpaalam na ako sa kaniya, bukas na lang. buti na lang at hindi umuulan. totoo ngang sumikat na ang araw at tila sa akin lang ito nakatapat.

glory to God!

1 Comments:

Blogger baylon said...

kung mamalasin ka talaga. dumadating talaga sa buhay yan. link mo din ako. www.ckbaylon.blogspot.com

5:12 AM  

Post a Comment

<< Home