Friday, July 28, 2006

If Your Ever Felt Wronged...

alam kong hindi maganda ang magiging araw ko. pinipilit kong hindi magpakita sa kaniya. katulad kahapon. pero hindi ko alam kung nakita niya ba ako o hindi. kanina, pinipilit kong magtago pero malas, nagkaroon pa ng mass induction. sumama ako sa parade. hindi ko man lang naisip na baka nandoon SIYA_ _ _. nandoon nga SIYA_ _ _. nananadya talaga ang tadhana. ako na lang palagi ang nakikita. mas minalas pa nang mas mapalapit pa ang pwesto ko sa kaniya. bakit ba ganoon? sa loob ng gym halos hindi ako lumingon sa likod ko kasi nandoon SIYA_ _ _. parang sa tuwing nakikita ko SIYA_ _ _, hindi ko maalis na malungkot. paano ba ito? tanong ako nang tanong sa sarili ko. sa gym naman, tadhana nga naman, ewan ko ba kung paano ko sasabihin, pero para akong nakakita isang anghel. parang lang naman. nagulat ako. yung kagandahan ng mukha niya. yung kaputian ng mukha niya. na may pamumulang tulad ng sa sanggol. yung buhok niya. yung mga labi niya. yung mga mata niya. pati mga pilik-mata. yung tangos ng ilong niya. yung hugis ng mukha niya. nahumaling agad ako. para ngang anghel. sabi ko sa sarili ko, "eh kung siya na lang kaya?". pero hindi. hindi mangyayari yun. hindi ako naniniwala sa love at first sight. pwede ba yun? hindi syempre. nagandahan lang ako. yun lang. humanga sa ganda niya. naikwento ko nga kay jonell yun. "siya" kasi yung una niyang naitawag dun eh, sabi ko"yun". yun na ngayon yung tawag namin sa kaniya. sabi niya na mesmerize lang ako. tama nga siya. hinihintay ko si pia nung oras na yun. buti na lang nandoon pa siya sa room nila. bumaba siya nung makita niya akong naghihintay na sa kaniya. hindi kasi kami nakapag-usap kahapon. so yun, nakipagkwentuhan. nabanggit ko yung tungkol dun sa message niya sa akin. nasabi din ni pia na kasama niya SIYA_ _ _ nung ginagawa niya yun. bigla kong tinanong kung wala ba SIYAng nasasabi sa kaniya. sabi daw, "kailangan eh". awts. kailangan pala talaga. nanahimik ako sandali. nag-isip. tinanong niya ako kung ano na daw ba balak ko. sabi ko bahala na. im not okay. kinakanta ko yan ng tahimik. kung alam niyo lang ang meaning ng song na yan para sa akin. sinabi ko na rin kay pia na mag-usap uli kami. pumayag siya. hinatid ko siya sa sakayan kasi naiwanan siya ng mga kasama niya dahil sa akin. haay nako talaga. hindi ko mapaniwalaan na ang bait bait niya pala. para ngang ang tagal na naming magkakilala nung nag-uusap kami eh. buti na lang at umayon sa akin ngayon ang tadhana. umuwi ako agad. hindi ako umattend ng fellowship. si jonell naman ang-sn. haay nako talaga!

ano na ba talaga? kailangan pala eh. ano kaya noh? tapusin ko na lang itong one month sa blog ko tapos gumawa ako ng panibago. tama kaya yun? para kasing tapos na yung isang napakahalagang yugto sa buhay ko eh. isang napakahalagang yugto na hindi naman pinahalagan. kahi sabihin kong wala pa namang linaw sa kaniya kung anuman ang nangyayari, naduduwag pa rin ako kapag sinasabihan ko ni pia na kausapin SIYA_ _ _. totoo, naduduwag ako. parang hindi ko makakaya. baka bumaligtad lang ang sikmura ko sa sobrang kaba. sa sobrang nerbyos. naisip ko rin kanina, paano kaya kapag dumugo ang ilong ko? pamukaw atensyon kaya yun? wala lang. naisip ko lang. ang wirdo ko talaga. hindi ko pa kasi nararanasan yung dumudugo yung ilong eh. paano kaya yun? ahh basta, kung mararanasan ko man yun, sana huwag na yung matanda na ako, gusto ko habang ngayon pa lang maranasan ko na. ano nga kaya pakiramdam?


KLSP
Sino tong nakatingin?
Anghel bang magliligtas sa kin
Mga mata’y kanyang minulat sa pagdadalamhati

Hinahanap sa kung saan
Pakpak na hindi mahagilap
“ninanais ko lang naman na maging ganap”

Kailangan lang pagbigyan
Kulang lang sa pansin


1 Comments:

Blogger crowbarred said...

farken kewl...keep it up

4:43 AM  

Post a Comment

<< Home