"Basta 'yun na 'yun...Wala lang....."
enako. nagpahuli talaga akong pumasok sa upcat review class namin. mock exam pa naman. sabi ko sa sarili ko, ok lang yun, science lang naman ang hindi ko makukuhanan ng test. pagdating ko sa room, akala ko kaaalis lang ng sinumang teacher na dapat, wala pa lang dumating. nasabi sa akin ni jonell na kaya pala wala kaming test, lack of test papers. nako naman! pero ok lang, wala naman kaming ginawa. pero parang nakakapanghinayang, hindi man lang kami nachallenge. tae! tumambay kami sa round table kasama sina pia at febe. ewan ko ba. bigla na lang sinabi sa akin ni pia na itext ko daw si SIYA_ _ _ kasi sabi. kaya yun. kinumusta niya na naman ako. nako talaga! expression na! sabiniya din kung pwede daw ba kami mag-usap kahit sandali lang, pumayag ako. syempre. una sabi niya 12 daw siya pupunta. tapos inutusan daw siya ni ate deb, naging 1. tinanong ko pa sia kung tatawad pa SIYA_ _ _. 1:30 o kaya naman 2. hindi na raw, baka daw magalit na si pia. naghintay lang ako na parang ewan sa loob ng room.
nagtrip ako. pinasarado ko yung room namin tapos naglagay ako ng isang upuan sa pinakagitna ng room at umupo at nagsulat ng poem. tyempo namang pagkatapos ko, dumating na nga SIYA_ _ _. nakita ko na nga SIYAng naglalakad sa rhs highway. nakapayong kasi sobrang lakas ng ulan. akala ko nga babagyuhin ako ng pag-uusap namin eh. basta! yun na nga, nag-usap kami. hindi niya raw alam kung paano niya sisimulan at sasabihin. pero nagawa niya. tinanong niya ako kung nasasaktan na ba daw ako dahil sa mga ginagawa niya. hirap din akong makasagot nung una, pero sabi ko ok lang yun sa akin. kasi sa loob ko lang, ako naman kasi yung pumiling gawin yun eh kaya ako dapat magsisi kung anuman maramdaman ko. diba? tapos, sabi niya rin, ang gusto lang daw niya, yung walang snobban. napakasuplado ko raw kasi lalo na nung kahapon. pinansin ko naman SIYA_ _ _ pero hindi yung katulad ng dati. ewan ko ba! nagsorry ako sa kaniya at sabi ko, iniisip ko lang SIYA_ _ _ palagi, lalo na yung mga sasabihin sa kaniya ng mga tao kapag pinansin ko SIYA_ _ _. sabi niya, "ano ba yun? wala akong karapatan?". wow naman. kakabigla talaga! sumikat na ang araw. naliwanagan na ako. tinanong niya pa ako kung ano pa raw yung mga hinanakit ko sa kaniya. sabi ko, hindi ko talaga alam, pero pakiramdam ko taken for granted lang ako. nagreact SIYA_ _ _. pinaalala niya sa akin yung more than friends relationship. nako talaga! tinanong ko naman SIYA_ _ _ kung ano na ba ako para sa kaniya. sabi niya, special friend na daw niya ako. gusto niya daw kasi ng isang friend na lalaki. gusto daw niya maranasan yun. hay nako talaga! nabanggit niya din na akala ko daw hindi niya naaapreciate yung blog ko. binasa pa daw niya yun mula pa sa simula kasama si pia. nako. ang cute daw nung picture naming dalawa dito. pero sabi ko sa kaniya, mukhang titigil na ako sa pagbablog ko. kasi parang wala nang patutunguhan. wala na akong mailalagay, pero una hindi ako sigurado, sa magiging resulta ng pag-uusap namin. sabi niya, ituloy ko lang daw yun, natutuwa daw kasi SIYA_ _ _ sa pagbabasa. yan hah! may reason na ko para magpatuloy! dumating naman kami dun sa isa kong entry na tungkol sa paghihintay. tinanong ko agad SIYA_ _ _ kung papayagan niya ba akong maghintay sa kaniya. hindi daw SIYA_ _ _ makakasagot kasi hindi naman daw sigurado kung mahihintay ko SIYA_ _ _ o ano pa man. sabi niya kasi 19 pa SIYA_ _ _ pwede. ano namang ibigsabihin nun? at kumusta naman yun? waaaaaaaaaaa. tagal pala. pero sabi ko, maghihintay talaga ako. sana lang. sana lang. totoo na ito. tulungan niya sana ako.
parang nag-iba bigla ang ikot ng mundo. mali pala ang malaki kong akala. mali talaga! maghihintay ako, special friend. special ka talaga. ibang-iba ang naramdaman ko! ayos! may pag-asa pala. yun lang naman ang hinihintay kong malaman.
tumambay pa kaming tatlo sa room namin. bagkwentu-kwentuhan pa ng kung anu-ano. nagtrip sa pagdodrawing. tae! ang kulit niya! kung anu-ano ba naman pinagdododrawing. naghihintay lang kaming mag-6 kasi diretso na SIYA_ _ _ sa church nila. ewan koba. lumagpas pa kami ng 6. hinatid namin si pia sa sakayan pagkatapos naming makipagtaguan sa mga pep mates niya. sumakay kami. ibinayad niya ako ng pamasahe kasi lagi na lang daw ako nagbabayad. nako talaga! tinanong ko SIYA_ _ _ kung anong oras SIYA_ _ _ magseservice bukas. sabi niya baka daw 1st, 2nd and 3rd. pero sure daw na nandoon SIYA_ _ _ sa 3rd service. sinabi ko rin na pupunta ako. pupunta ako. bumaba SIYA_ _ _ sa kapasigan at doon na natapos ang araw ko kasama SIYA_ _ _.
kakaiba talaga ang nangyari ngayong araw na ito. kumusta naman yun ika nga niya. haay! sarap ng buhay. basta alam ko lang na nandyan SIYA_ _ _ ayos na ang lahat.
19......matagal-tagal pa. pero pipilitin gawin kung nais talagang makamit ang gusto. kailangan talaga!
(pakiramdam ko ang daming kulang nitong entry kong ito. masyado kasing maraming nangyari ngayon eh. ahh basta! kami na lang may alam nun!)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home