IBIGSABIHIN ng KAHULUGAN ("...when its the other way around...")
Date: Monday, 24 July, 2006 5:53 PM
Subject: kmsta nmn un??!!................. :-(
Message:
Alam m, 2mwag c clara knina sa bhay. sbi nya aq dw ang pinag-uusapan ng ibng pep nung sat. eh wla aq nun, nagpaalam aq n d aq mkkatend. sbi nla naninibago daw cla sa akin. bkit dw iba pkk2ngo q sau compare ky Jomar (ung dting gs2ng manligaw skin). Mas pinapaburan ko dw ikw dhil aq dw ang my gs2 sau, when it's the other way around. It really sucks that I cried the moment I heard that. I know the fact that I can't please everybody, it just pisses me off. Ang aksyon na dpat na gawin ay manahimik at umiwas sa mga taong dpat na iwasan. Ayaw kong makipagplastikan, like what they're doing to me.
its the other way nga talaga. sana na lang hindi ko naramdaman ito sayo kung wala lang din akong matatanggap galing sayo. sana nga pinakinggan ko na lang ang ibang tao. na nagsasabing huwag ko nang ituloy ang binabalak ko. sa bandang huli daw kasi, ako lang din ang magsisisi. akala ko kapag binigay ko lahat ng makakaya ko, may babalik sa akin na gusto ko. yung bagay na sobrang makapagpapasaya sa akin. pero sa kabila ng lahat, hindi ko magawang tumigil. sana alam mo yun. isa nga kong malaking ewan. akala ko rin ayos na. kahit magtiis ako hanggang sa oras na pwede na ang mga bawal. kapag tama na ang mga mali. kapag nakakita na ang mga bulag. kapag nakararamdam na ang mga manhid. at kapag nagmahal na ang mga sawi.
hindi ko talaga malaman ang ibigsabihin ng kahulugan. ano nga kaya? siguro ang kahulugan ay ang tuluyang pagkalulong sa pagmamahal. siguro ang kahulugan ay pagkalubog sa kumunoy ng pag-ibig. siguro ang kahulugan ay ang pagkabaliw sa taong bumihag ng puso ko. siguro ang kahulugan ay ang pagpapakumbaba. siguro ang kahulugan ay ang pagkabanal sa tuwing kasama SIYA_ _ _. siguro ang kahulugan ay ang pagpapakita ng totoong sarili sa kaniya. siguro ang kahulugan ay ang pagkakaroon ng dahilan para maging masaya.....
siguro ang KAHULUGAN ay ang nangyayari sa akin.
nahulog na nga yata ako.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home