Sunday, July 23, 2006

DEFINE MEANING part 4 (let this sunday be holy, too...)

tanghali na ako nagising kanina. tae. dumiretso na ako sa shop kasi blessing nito. tae. late ako. hindi na nga ako naligo huwag lang ma-late. pagdating ko, nagkakainan na sila. tumambay. pinabasa rin sa akin ng kaibigan ko yung mga text niya. napansing kong 2 na pala. umuwi ako at nagmadaling maligo at magbihis. tae. umulan pa. medyo basa ako nang makarating sa church nila. pagdating ko doon, wala SIYA_ _ _. umupo muna ako doon. napansin din ako ng pastora nila. sinabing mas nauna pa raw ako kanila SIYA_ _ _ at sa ate niya. pero hintayin ko lang kasi darating din naman daw yun. nagsimula na yung service nila wala pa rin SIYA_ _ _. praise and worship na nun nang may naramdaman akong dumaan sa likod ko...SIYA_ _ _ na pala yun. haaay! late daw SIYA at nakakahiya naman daw sa akin. natulog pa daw kasi sila ni mitz sa dorm nila. sabi ko ok lang yun. nagseryoso na naman ako sa pakikinig ng message ni pastora. (nakikipastora na rin eh noh). sa pagkakataong ito, nagdala na ko ng bible. nagkaroon na ako ng makukutingting at hindi ko na kailangan pang istorbohin SIYA para makibasa sa bible niya. natapos ang service at akala niyang uuwi na ako. (ano ko hilo?). sabi ko hindi pa. kwentuhan daw muna kami. oh sige! naikwento ko sa kaniya yung tungkol na naman kay pia. sabi ko hindi ko na naman nakausap. sabi niya naman, ako daw dapat yung unang mamansain kasi nahihiya din si pia sa akin. ganun din naman ako. nako. sinabi ko rin sa kaniya na dapat hihintayin ko SIYA_ _ _ dapat kahapon eh nalaman kong hindi na pala SIYA_ _ _ pupunta. tinanong ko rin si ate deb kung nasaan. sabi niya next service pa raw pupunta. pinabasa ko rin sa kaniya yung entry ko nung mga nakalipas na araw na nakasulat pa sa notebook ko. nagbasa naman ako ng psalm 43. iba kasi ang meaning eh at saka yung first word:

PSALM 43

1 Vindicate me, O God,
and plead my cause against an ungodly nation;
rescue me from deceitful and wicked men.

2 You are God my stronghold.
Why have you rejected me?
Why must I go about mourning,
oppressed by the enemy?

3 Send forth your light and your truth,
let them guide me;
let them bring me to your holy mountain,
to the place where you dwell.

4 Then will I go to the altar of God,
to God, my joy and my delight.
I will praise you with the harp,
O God, my God.

5 Why are you downcast, O my soul?
Why so disturbed within me?
Put your hope in God,
for I will yet praise him,
my Savior and my God.

kumusta naman daw yun. narinig ko lang galing sa kaniya ang mga akmang salitang sinulat ko sa mga past entries ko. ganong-ganon. natanong niya din kung bakit umaga na ako umuuwi. napansin niya yun sa mga oras ng mga entries ko. sabi, may pinag-aaralan kasi ako sa field ng computer engineering at programming. pinaniwala ko talaga SIYA kasi totoo naman. sabi ko rin, iba na kasi ang may background na sa ganoon courses. hindi yung magsisimula pa ako. lumiko naman kami sa topic tungkol sa kukunin niyang course. hindi niya pa rin daw alam kung ano kukunin niya. sabi ko magnursing na lang SIYA pero sabi niya, gusto niya daw kaso mahirap daw pagsabayin ang nursing at pagsasayaw. sabi pa niya sasayaw na lang SIYA_ _ _ habang buhay. waaaaaaaaa. career? pwede. napagkwentuhan din namin yung pansinan naming dalawa sa school. sabi niya ako na naman daw ang unang mamansin. nako talaga! hindi rin daw SIYA_ _ _ sanay na SIYA yung unang mamamansin. saka angsuplasuplado ko daw kasi kapag nagkikita kami eh. sabi ko naman iniisip ko lang yung sitwasyon niya. baka kung ano naman kasi masabi nina maam arc at maam lising. ayoko naman SIYAng mapaano kanila maam. basta daw ako dapat yung unang mamansin. basta daw dapat mamansin ako. dapat daw. paulit-ulit SIYA. napansin kong magsisimula na ang next service at marami nang tao kaya nagpaalam na ako sa kaniya. magbibihis pa pala SIYA para sa next service. hinatid niya na naman ako as baba. nasalubong namin ang mama niya at si ate deb. nag-hi sa mama niya at kay ate deb. nakangiti na naman daw ako. syempre! nagpaalam na din ako sa kanila. pina-akyat ko na SIYA agad at pinagmadali ko na kasi baka malate din SIYA sa next service. hinintay kong mawala SIYA sa paningin ko nang tuluyan bago ako tuluyang umalis. malakas ang ulan nang sumakat ako. basang-basa ako tae! pero okay lang! may thrill! heheheh! at saka sulit naman ang 3 hours ko. umuwi ako sandali para magjacket at dumiretso ulit ako sa shop. tae! wala na talaga akong naitulong doon. nakikain ng hapunan. para ko na talagang pamilya ang mga tao dito sa shop. grabe. eto ako ngayon. gabing-gabi na nagbablog pa rin. may reason naman ang pagpupuyat ko, sabi ko nga kay ate deb.

ano namang ibig sabihin ng mga nangyari ngayong araw na ito. masaya. masaya talaga. sana naman maging way ito para maging close pa ako sa kaniya. sabi kasi ni kuya popeng, sa isang relasyon daw, kahit anuman ito, kung ka-love triangle daw natin si God, at kung lalapit kami kay God, mas mapapalapit din daw kami sa isa't isa. para bang kapag binawasan mo yung isang side ng triangel, dapat mo na rin bawasan yung other 2 para maging triangle pa rin siya. at saka sa ganitong way, mas mapapalapit pa ang mga corners nito na kumakatawan sa sarili mo, sa isa pang tao at most especially kay GOD. gets?




0 Comments:

Post a Comment

<< Home