Monday, July 24, 2006

[KAHULUGAN] - MAPAIT : MAPAKLA

bakit ba ang hina-hina ko sa mga kahulugan? naiinis ako sa sarili ko. isa na namang bagay ang na dating gumugulo sa isipan ko na ngayon ay napakalinaw na para sa akin.

dati, nung bata pa lang ako, kahit nga hanggang tumuntong ako ng elementary, hindi ko talaga alam ang kaibahan ng mapait sa mapakla. alam ko pagtatawanan niyo ako ngayong nalaman niyo ang kahangalan ko. dati, sa pagkakaalam ko, parehas lang ang dalawang bagay na yun. sa tuwing iinom ako ng vitamins dati, sinasabi ko sa mga kaklase ko, "ang pait naman nito", tapos sasabihin nila. "tanga mapakla!". "ano ba talaga?", sabi ko na lang sas kanila. dumadating pa kami sa point na magtalo-talo kami dahil lang doon. alam ko parehas naman talaga kasi yun eh. iba pala talaga. naliwanagan ako.

ngayon, alam ko na nga. mapait pala ang pagkakaroon ng taong minamahal. maaaring manghihinayang ka kung bakit mo pinasok ang mga ganoong bagay katulad ng pagkain mo sa ampalaya. pero sa bandang huli, ayos na lang din sayo yun kasi masaya ka naman sa ginagawa mo katulad ng pagkawala ng gutom mo. at mapakla naman ang nararamdaman mo dahil sa mga pinagagagawa mo. ito yung paghintay mo sa isang tao na katulad ng pag-inom mo ng gamot dahil kinakailangan. hindi mo man gustuhin, kinakailangan. hinahalintulad ko na lang itong mga nangyayari sa akin ngayon sa mga nangyari na sa akin noon. may natutunan na nga ako. malaking aral para sa akin ito. yung malaman ang kaibahan ng mapait sa mapakla.

malaki nga ang kaibahan ng mapait sa mapakla. paulit-ilit kong sinasabi sa sarili ko.

malaki ang kaibahan ng mapait sa mapakla.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home