Sunday, July 16, 2006

"Wasn't sure how deep the hole I was getting into..."

2:50 am
"Wasn't sure how deep the hole I was getting into...
If i choose to wake up every morning with a smile on my face or see life or what it is..."
nako naman. akala ko makakatulog na ako. hindi pa rin ako dalawin ng antok. nakakasanay kasi yung halos abutan na ako ng araw na gising pa. magkekwento na lang ako ng tungkol sa anu-ano.
syempre, tungkol sa kaniya pa rin ang ikekwento ko. parang hindi na kagulat-gulat na SIYA_ _ _ na naman ng topic nito.
hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagkakaganito. ewan ko. pero parang hinahabol-habol ko pa rin yung mga bagay na mayroon siya na sa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anu-ano yun. sabi nila:
"If you really love....you can't explain. If you can explain...you don't really love."
totoo nga yata yun. ano sa tingin niyo? ang gulo noh? pero hindi ko tinuturing na magulo an glahat ng ito. kasi pinasok ko ito eh kaya kailangang maging handa ako para harapin ito. gumawa kasi ako ng desisyon ng walang iniisip na iba pa...
"Well I'd never learned, keeping my fingers cross....waiting for my luck to turn..."
bahala na kung ano mangyari. basta nagawa ko yung gusto ko nang walang dapat panghinayangan. akala ko nga wala nang pag-asa. yung isang arvin lang pala ang nag-iisip nun. yung arvin na madaling sumuko. yung arvin na walang katiyaga-tiyaga. yung arvin na ayaw mahirapan. yung arvin na gusto ay smooth flowing ang lahat. dalawa nga yata ang pagkatao ko. parang ayaw ko na gusto ko. magulo nga kung iisipin. kaya nga maraming nagsasabi sa akin na napakagulo daw ng pag-uutak ko. paiba-iba. wala kong magagawa. at saka wala naman silang karapatan na diktahan ako sa mga dapat kong gawin. lalo na ngayong nagseseryoso na ako. mahirap na yata yun....
DESPERADO

desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...

pagkagising sa umaga, ikaw ang gustong nakikita
kapag ako'y kumakanta, yun ay dahil naiisip ka
at tuwing kumakain, sana ikaw ang nakahain
oh ang pangarap ko lang sa buhay ay isa...mapasakin ka

desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...

lahat ng pwede ginawa ko, para lamang mapansin mo
ngunit talagang sarado, ang mahal kong puso mo
hinahangad ko lang sa buhay ay isa...sana'y akin ka

desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
desperado na ako sa'yo...
para ngang lagi na lang nagbabago ang ihip ng hangin. hindi ko maintindihan. kung pwede lang talaga magkaroon ng kakayanang gawin mo ang gusto mo. kung lang.
himala...
kasalanan bang humingi ako sa langit ng isang himala?
hindi ko matanggal sa sarili ko ang mga imposibleng bagay. para na akong ewan sa mga pinaggagagawa ko. wala na talagang isip-isip. sugod agad. wala na akong pakialam sa mangyayari sa akin pero palagi, siya na lang ang naiisip ko. yung sarili niyang kapakanan.
never in my life haven't been more sure...
so come on up to me and and close the door...
nobody's made me feel this way before...
you're everything i've wanted and more.

to speak or not to, where to begin?
the great dilemmas, i'm fiding myself in
for all i know you only see me as a friend
i try to tell myself wake up fool...
"This fairy tale's got to end!"
ayoko. hindi naman fairy tale itong nangyayari eh. totoo na nga ito. walang ilusyon sa mga nararamdaman ko at ipinapakita. lahat totoo. hindi siya isang prinsesang kinidnap at hindi ako isang prince charming na dapat magligtas sa kaniya. kami lang ito. hindi pa nga nag-uumpisa yung istorya naming dalawa eh. at hindi ko alam kung may posibilidad ba talagang mangyari yun. sana. sabi ko nga sa kaniya, tungkol dun sa letter ko sa kaniya, "sa dami ng gusto kong ipaalam sa'yo, title pa lang yan". parang nasa title pa lang kami. at hindi ko pa rin alam kung sino sa aming dalawa ang may balak umako bilang may-akda. mas maganda sana kung kaming dalawa ang susulat. sana. sana. puro na lang sana.

haay. anong oras na talaga! akalain mong nakagawa ako ng ganito sa ganitong oras. adik na nga yata ako. ewan! huwag lang sana kayo magpapa-apekto sa kaadikan kong ito. tuloy niyo lang sana ang pagbabasa sa blog ko. maraming salamat sa inyo. bow.
HINAHANAP-HANAP KITA

adik sa'yo, awit sa akin
bilang sawa na sa 'king mga kwentong marathon
tungkol sa'yo at sa ligaya
iyong hatid sa aking buhay
tuloy ang bida sa isipan ko'y IKAW

***
sa umaga't sa gabi
sa bawat minutong lumilipas
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
sa isip at panaginip
bawat pagpihit ng tadhana
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita...

sabik sa'yo kahit maghapon
na tayong magkasama parang telesine
ang ating ending, hatid sa bahay mo
sabay goodnight, sabay may kiss
sabay bye bye

***

"...pilit ko mang ika'y limutin, lagi kong natatagpuan,
ang iyong tinig at awitin tuwing sasapit ang ulan,
at ang pinagsamahan, mukha yatang nilimot na,
ang puso mong biglang lumisan...
may kapiling ka nang iba ('wag naman sana)..."

***

sinusumpa sa ceremony hanggang uwian araw-araw,
hinahanap-hanap kita
hinahanap-hanap kita
at kahit pa magka-anak kayo,
magkatuluyan balang-araw,
hahanap-hanapin ka
hahanap-hanapin ka...
3:51 am

0 Comments:

Post a Comment

<< Home