"AKING HILING SA ULAN "
5:15 ako nagising. maaga-aga. aba naman! maaga din akong nakaalis mula sa bahay. naabutan ko pa ang flag ceremony namin. aba naman talaga! naghanap ako ng mga clasmates na nakapila kaso si jose lang ang nakita ko. hindi ko naman malapitan kasi ang layo niya. pumasok na sa "respective classrooms". pinabasa ko agad kanila fame at jonell ang sinulat ko kanina. natapos ang ap ng wala akong pakialam sa mundo. bangag na naman daw ako sabi ni khaye. may naiwan sa aking lines ni sir..."ignorance to the law excuses no one". astig ang meaning noh? wala lang. ang lakas kasi ng impact sa akin nung narinig kong sabihin ni sir bernard yun eh. nagfilipino. nagreport ang group 1. nagquiz. tae! 1 out of 20 ako! natapos ang filipino nang yanot na yanot si ginang kasi isang grupo lang ang nakapag-present ng sabayang pagbigkas na dapat ay nung last week pa. recess. kasama ko na naman ang mga bata ko. nambully ba naman kami ng mga first year. tae kasi si dineros eh, ang lakas magtrip! physics na, nagactivity kami kay sir. optical illusion, candle in water. maraming humanga pero marami rin ang nambara sa aming 3 nila quints at dineros. tae! habang nagrereport kami, si pia padaan-daan. waaaa....nakita niya akong nagrereport na parang ewan. maaga kaming dinismiss ni sir. nagdecorate kami sa pinto ng classroom namin ng "WELCOME IV-3 CHRONICLES". naki-epal lang naman ako sa kanila kasi wala akong magawa. math naman, nagcheck kami ng unit test. hindi pa rin ako pumasa. 23 out of 50 lang ako! kabanas! habang nagrerecheck naman sila, umulan nang parang ewan. napagtripan ko namang magsulat ng isang di-tugmang tula. ito yun:
AKING HILING SA ULAN
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagpawi sa uhaw?
na kumikitil sa damdamin ng nagmamahal?
ang pagbuhos ba ng ulan ay paglinis sa isip?
ng mga aninong nakapalibot sa pusong nagliliwanag?
ang pagbuhos ba ng ulan ay kagagawan ng kalangitan?
na hindi mawari-wari ang kadahilanan nito?
ang pagbuhos ba ng ulan ay paglambot ng kalupaan?
na humihila sa mga paa ng mapangahas?
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagsunod ng bahaghari?
na maglalatag ng mga kulay sa kalangitan?
ang pagbuhos ba ng ulan ay pagluha ng langit?
na sumasabay sa mga matang bumabaha ng alat?
ang pagbuhos ba ng ulan ay nanguna lamang sa araw?
na tanging hatid ay liwanag sa pagkatao?
ang pagbuhos ba ng ulan ay maghahatid ng bagong pag-asa?
na makakita ng magong kaluluwang iibigin?
ang pagbuhos ba ng ulan ay ang lahat ng ito?
na nagpapatunay sa isang nilalang na tulad ko?
sana'y hindi na bumuhos pang muli ang ulan...
kung bubuhos man ay sana'y wala ako.

kumusta naman yun? ewan ko ba kung paano ko nagawa ito? bigla na naman akong na-inspired ng isang bagay na hindi ko alam. nag-lunch kami sa long table. nagmadali ako kasi wala pa akong assignment kay cyclops. nag-english na nga. buti natapos ko. binati namin si maam aniana ng belated happy birhtday. natuwa naman siya kahit papaano. may binigay naman sa aking url si pam. http://zactrevor.blogspot.com. kay dayday palang blog. aba, akalain mo yun...si dayday? ad chem naman. late kami ng 30 mins. buti na lang at talagang mabait si maam cristy. nag-activity na naman about freezin point of solutions. nagliwaliw ako kung saan-saan sa room. ang init kasi! nagkwento rin ako kanila myks at abs tungkol kahapo. tle. may pinabasa sa akin si jonell. text daw ni homer kay jordan. tae. ewan ko ba sa kanila. ayaw ko nang makialam sa bukay ng mga batang yan. halos tulog-gising ako sa tle namin. nakakaantok kasi talaga! nung 5 mins. before time, napalingon ako sa labas, kasi nasa tabi ako ng bintana. nakitta ko sina SIYA_ _ _ at clara sa bench. waaa....gusto ko nang lumabas para kausapin SIYA kasi usapan namin yun ngayong araw. buti naman at may nag-insist na magsabi na time na nga kay sir g. nagkaroon naman ng meeting ang chronicles right after ng classes. nagpaalam ako kay abby na importante lang talaga! yun na nga. pinuntahan ko sila sa kinatatayuan nila. kahit umuulan. wala akong pakialam. nagpalitan kami ng pictures namin. hindi ko na mahintay na basahin yung dedication na sinulat niya, at gayundin yata SIYA_ _ _. dahil sa lakas ng ulan, tumambay kami sa amang. napag-usapan si zeta boy na siya namang dumating at kinausap si clara. gusto na ni clara na patigilin si zeta sa panliligaw sa kaniya. sabi naman ni zeta, bakit daw siya titigil kung wala namang dahilan. wala kasing maibigay si clara eh. pero yun. nagawa naman niya. ano kayang pakiramdam nun sa side ni zeta noh? awts! nagkwentuhan din kami ni SIYA_ _ _ habang nag-uusap sila. pinauwi ko na SIYA kasi baka lumakas na naman ang ulan at baka mahirapan pa siyang makauwi dahil dito.bigal ba namang lumabas mula sa kung saan si homer...nakakalokong tinuro sa akin yun ni SIYA_ _ _. paglabas naman namin, nakita naman namin siya. at alam niyo kung anong ginawa ng dalawa? tinawag si homer at nag-HI! tae. nag-HI din naman si homer. nagtalo pa silang dalawa ung sino daw ang napansin ni homer. tae talaga! tinanong ko sila kung bakit nila kailangang gawin yun.....ewan! pagkatapos nun, nagpaalam at umalis na sila at pumasok na ako sa campus at dumeretso sa room. napansin kong nandoon si cyril. tae naman oh! nananadya yat talaga ang tadhana! ok lang yun! tinawag ko agad si jonell para ikwento ang nangyari. tawa siya nang tawa. hindi yata makapaniwala. nagliwaliw muna kami at hindi muna kami nakigulo sa mga classmates naming nagmimeeting sa room. wala naman kasi silang nagagawa eh. nanood lang kami ng practice ng amos. pumasok kami nung magpapractice na. wala kaming nagawa kundi yung 16 counts na steps na yun! tae. nag-aya na akong umuwi pagkatapos nun.
humiwalay na sa amin si jonell na didiretso yata sa sn nang makasakay na kami nina fame, abby, jane at rejen. kaniya-kaniya na kaming umuwi pagkababa sa palengke.
ito ako ngayon. hindi ko alam kung bakit nawawala ang antok sa tuwing magbablog ako. haayy! sarap maging buhay nito! angsarap ng nakakapag-share sa ibang tao. at ganun din ang pakikinig sa mga kwento naman ng mga buhay nila. ang sarap talaga! give and take relationship lang sa pagbablog. kung gusto mong may malaman tungkol sa isa o maraming tao, dapat handa ka ring magpaalam sa kanila ng mga nangyayari sa buhay mo. ako, wala akong tinatagong anuman, hanggang sa wala akong tinatagon, ginagawang mali at taong nasasagasaan (teka...meron yata...hayaan mo na yun!)....

"that's the way the cookie crumbles!"
0 Comments:
Post a Comment
<< Home