"let sunday be holy..."
Notebook
07/17/06
1:45 am
07/17/06
1:45 am
post for:
07/16/06
dahil sa pagtulog ko ng madaling araw. dahil sa pagtatype ko ng entry para sa blog ko. dahil sa pagprint ko ng mga pictures. dahil sa pag-iisip ko sa kaniya. sa madaling salita, dahil sa pagpupuyat ko, na naman, ala-una ako nagising. matagal na palang gising si kim bago pa ako makabangon. paano ba naman, sobrang aga niya natulog. naalala kong may lakad pa pala ako.pinipupunta pala ako ni SIYA_ _ _ sa church nila para umattend ng sunday servicce nila. alas-dos na ako nakaalis mula kanila kim dahil sa napakatagal naming pananghalian. alas-dos medya nakarating ako sa bahay at nagmadaling maligo, magbihis at umalis.
dumating ako sa church nila bandang mga 3:30 na. mabuti na lang, hindi pa nagsisimula. nagpepray pa sila nung oras na yun, nakita ko SIYA_ _ _ na nakacostume. may no. pala sila sa service nila. napansin ko rin ang isang babaeng may hawig kay SIYA_ _ _. hindi lang pala kahawig, kamukha niya. natapos silang magpray. nilapitan niya ako. sabi niya, magpeprepare lang daw siya. nilapitan din ako ng isang babae, pastora pala nila. nagpakilala ako at sinabing SIYA_ _ _ ang nag-invite sa akin. pinalipat niya ako ng upuan, malapit-lapit sa harapan. bigla ba namang umupo, a seat apart, yung babaeng napansin ko. nginitian niya ako at nginitian ko din siya. dumating SIYA_ _ _ at pinakilala sa akin ang ate niya. sabi na nga ba eh! SIYA_ _ _ ang umupo sa pagitan namin ng ate niya. seryoso ako sa pakikinig ng message. halos hindi na nga ako nagsalita. pero hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. tadtad na ng mga butil ng malalamig na pawis ang dibdib at tiyan ko kahit na air-conditioned namn ang church nila. bakit kaya? natapos ang service. kinausap ako ng ate niya. biglang banat ba naman ang ganda daw ng ngipin ko. nyaks! kailangan bang sabihin yun? iniwan kami ni SIYA_ _ _ habang kumakain para makapag-ayos. ewan ba. parang mas nakausap ko pa ang ate niya kaysa sa kaniya. nagtanong-tanong ang ate niya. una, kung ilang taon na daw ako. kung saan daw ako nakatira at kung anu-ano pa. kung nakita ko rin ba daw yung kuya nila. sabi ko oo. bigla daw kasing umalis pagkatapos ng service. bigla namang dumating ang mama't papa nila. pinakilala din ako ni SIYA_ _ _. waaaa.... nakakahiya! tuloy pa rin sa pag-iinterview ang ate niya. kung ano ba daw ang mga kukunan kong exam na mga course. sabi ko, unang-una architecture. nagulat ba naman. ano pa daw yung iba. sabi ko civil eng., comp. eng. at comsci. hindi ko maintindihan ang reaction niya. tinanong niya rin ako kung saan ako magco-college. sabi ko, kapag nakapasa, sa u.p. diliman. sabi pa niya sila ngang magkakapatid eh umiiwas sa math, tapos ako. tulad ng kinuha niya, education, at ng kuya nila psychology. bigatin. balak niya namna daw kay SIYA_ _ _ ay yung course na related sa dancing at may scholarship. pinapatutor niya nga sa akin si SIYA_ _ _ eh. wala akong masabi. hindi nagtagal, nagpaalam na ako sa kanila, sa ate niya at sa mama niya. yung papa niya naman, nasa hagdan, buti pinansin ako. natatakot daw SIYA_ _ _ sa papa niya. ewan ko ba kung bakit. hinatid niya ako sa baba at doon ay nakaupo yung iba pa niyang churchmates. inaya nila akong bumalik next week. sabi ko "OO". oo. may nagsabi na namang kahawig ko daw si mikee. tae talaga! at ingatan ko raw si kim...(kim?...ahhhh!). bago ko tuluyang umalis, nag-usap pa kami. (haay sa wakas!). napag-usapan namin si pia. pinakita ko rin sa kaniya yung mga pinrint kong pictures nila ni pia. pinaalala ko rin sa kaniya yung hinihingi kong pictures niya na pinasulatan ko sa kaniya ng dedication. nasa bahay daw nila. nabubulok na nga daw eh. sabi niya bukas na lang daw. saka yung sa akin, na dalo ko araw-araw. nagpaalam na rin ako kasi magsisimula na yung next service nila, baka ma-late pa SIYA_ _ _. yun na nga. nagpaalam at nagpasalamat SIYA_ _ _. gayundin ako.
naglakad ako mula kapasigan hanggang palengke nang may ngiti sa mukha. ang saya ko! moments with her na naman. umuwi ako, nagbihis, kumain at umalis na naman. nag-online, nakipagchat kay tin at abs, nag-update ng blog, pinabasa sa kanila, nagkwento kay tin, natapos ang isang oras, umuwi.
nanood ako ng you got served. kailangan kas namin ng dance moves para sa upcoming cheerdance competition eh. nagprepare para sa pagpasok bukas (este mamaya pala). nagsulat...
ito ako ngayon. adik na naman.
2:43 am

0 Comments:
Post a Comment
<< Home