when i only had 2 hours to sleep
late ako nakapasok ngayon. alas-4 na kasi ako nakatulog. syempre hindi kumpleto ang araw ko kung hindi ko gagawin ang daily routine ko. o kaya naman ang aking midnight routine. 2nd subject na ako nakapasok. mapeh. ang ganda ng topic namin dito. ito ang isa.
ARE YOU SOMEONE WHO:
1. acts before thinking /
2. judge a person at first glance x
3. admits you are wrong /
nag-share din ako ng mga additional information. nag-quiz at out of 1o, 8 ko! recess naman. burger sa canteen by the gym. research, dumaan muna kami ni jonell sa amos para tumambay sandali. tae si maam jagmis, marunong niya sa ngayong magalit! tae! nung sinabi niyng checheckan niya daw yung mga norebooks namin, tumakas kami ni jonell at nakita namin sina gaon, dia, ghe, tin at abs. pumunta kaming library at doon kung anu-ano ang aming napgkwentuhan. tumayming kami sa pagbalik sa room nang kinausap ni maam lising si maam jagmis. bwahahah! smooth crime na naman! aba naman, wala na naman si sir pache. so, maaga ang unch ng buong chronicles. pagkatapos, gumawa ako ng preparation para sa english. nag-review dahil may unit test. yun na nga, out of 105, 36 lang ako! tae! antok na antok kasi ako mula research pa lang. ad chem na, nagactivity na naman kami kay maam cristy. frezing point, frezing point, frezing point. nag-ala-leader ako kunwari para mapansin naman ako ni maam. buti na lang effective! tle, uwian ng mga ibang sections. tinanaw-tanaw ko SIYA kung saan-saan pero hindi ko siya natagpuan. wala pa si sir g. nagiwaliw muna ako sa tapat ng classroom na umaasang makikita ko pa SIYA. nag-graded recitation at buti na lang at hindi ako natawag. pagkatapos ng tle at pagkatapos ko ring matulog at gumising sa subjet na iyon, nagpasama ako kay jonell sa gym para hamapin SIYA. yun pala ay may practice sila doon kaya nakita ko naman SIYA. hindi na rin kami nagtagal ng maka-usap ko si maam arc tungkol dun sa pagsali ko sa folkloric. tinanong ba naman niya ako kung hihingin ko na ba daw ang kamay ng anak niya (SIYA). tae. ang lakas mang-asar! bumalik kami ng room at nanood ng practice ng amos at ng aming section. hindi ako nagpractice kasi antok na antok talaga ako. pero hindi ko pa rin naisipang umuwi kasi umaasa naman ako this time na maka-usap SIYA. nakatunganga lang ako nang biglang pinahiram sa aking ni jona yung cellphone niya. itext ko raw SIYA kasi unli naman daw siya. tinext ko nga ng isang beses pero wala akong nahintay na reply. waaaaaa.
naghintay pa ako hanggang 7:30. nakasandal ako sa pinto namin na parang ewan ng dumating SIYA. nginitian ako ni angge ng nakita niya akong tumingin kay SIYA. kumusta naman daw ako. para daw akong lasing kasi sumusuray-suray ako habang magkasabay kaming naglalakad. nabanggit ko sa kaniya yung sinabi sa akin ni maam arc. nagulat siya. hindi malaman yung reaction niya. kasabay namin ang iba niyang mga pepmates sa paglalakad hanggang sakayan ng marikina-pasig. tinawid ko siya at sinabing hahatid ko na lang siya. sabi niya huwag na lang. para ngang kinaawaan niya ko dahil sa hindi ko mawaring nararamdang antok. kasabay ko sa jeep sina clara at ibang pep. grabe. ang haharot na mga iyon! lalo na yung isang badingger-z. anep talaga. nilibre nga pala ko ni narciso ng pamasahe. nyeh. kumusta naman yun? naghiwa-hiwalay kami hanggan sa sakayan ng trcycle. last words ko lang, "ANG HAHAROT NILA.".
kahit na antok na antok na ko at halos sumara na ang mga mata ko, kahit wala na daw talaga akong mata, pinili ko pa ring pumunta ng shop para mag-online. ito ako ngayon. tae. hapong-hapo na ako! ewan ko lang kung makukumpleto ko ang aking midnight routine.
so long and goodnight!
0 Comments:
Post a Comment
<< Home