Wednesday, July 19, 2006

"O,PAQUE"...The Unholy Alliance

hindi ako late ngayon! parang araw-araw na lang ako nagsasabi kung late ba ko o hindi hah! napapansin ko lang! noh? tumambay ako ng amos para manghingi ng magazine kasi wala pa akong nagagawa para doon sa activity namin sa ap. ginawa ko yun at inabutan lang naman ako ni sir na ginagawa yun. may natutunan na naman kami kat sir. yung:

Ceteris paribus: 1. Literally (in Latin), other things the same. 2. Figuratively, all else being equal (staying the same). 3. In research, the effect of one variable when other factors remain constant.

research, takas na naman kami. naggugugupit na naman kami ng decorations. napag-usapan na naman namin yung parang pagiging android ng aming religion teacher. hindi daw proportionate yung left arm niya sa buo niyang katawan. physics naman. tae talaga si sir! pinakanta niya si elly ng isang kanta. wala lang. para lang siyang tanga. at napagtripan na naman ako! nakita niya kasi akong natutulog sa likod ng room eh. tinawag tuloy ako sa recitation. antok na antok na naman ako ng matapos ang physics. mapeh naman. nag-activity lang kami. nagdistribute din ng p.e. uniforms. nagpinoy henyo kami ni angge kaso pang-2nd lang kami sa best time. overtime din kaya kaunting time na lang para mag-lunch. rush sa lunch. english naman. naglesson lang. nag-cr kami ni quints at nasita kami ni maam aniana kasi daw, angtagal-tagal niya daw dumating, hindi pa namin nagawang umihi. tae. sabi pa niya teach ourselves daw next time. anggulo talaga! overtime na naman! ad chem. nagliwaliw uli kami ni jonell sa ir. nanggulo lang kami ng mga araw ng mga bata. bumalik sa room at kung anu-anng trip ang ginawa ko para huwag nang matulog. balik sa room, nagliwaliw uli kasama naman sina zeta at allan sa tapat ng room. tle. naggraded recitation na naman. hindi na naman ko natawag!
natapos ang tle at nagbihis ako ngpe uniform para sa practice ng cheerdance. kailangan ko na kasing magpractice kasi napag-iiawanan na nila ko sa steps. naging madali naman sa akin ang pag-aaral ng mga steps. inaabangan ko rin SIYAng lumabas ng gym. iniisip ko kasi may practice uli sila doon. habang nagpapractice naman kami, nakita ko si clara. at SIYA na nagpapractice din ng hindi ko malamang sayaw. kailangan bang ipakita sa akin yun? dedma lang naman ako kasi seryoso ako sa pagpapractice. naging lifter din ako sa cheerdance namin. nung binuhat ko na si barcs, hindi sinasadyang natuhod niya ang mata ko. halos mangiyak-ngiyak na ko sa sakit. kumuha si barcs ng yelo sa kanila. niyelohan ko yung kaliwang mata ko. wow grabe heavy ang lamig! nakaupo ako sa harap habang ginigawa yun. pasilip-silip naman si clara. ewan ko ba. gusto ko nang lapitan SIYA pero hindi ko magawa! marahil dahil sa taeng rovee na yun! tumuloy pa rin ako sa pagpapractice pagkarecover ko sa namaga kong mata. pagkatapos, nagmadali akong nagbihis at umaasang makakausap ko pa SIYA. pero huli na ang lahat! WALA NA SIYA! kung kani-kanino ko nagtanong kung nakita ba nila SIYA. walang may alam. puro hinagap. inaaya ko si jonell na lumabas ng campus dahil sa kaniyang mga nalaman na mga sinabi sa kaniya. ayaw ko lang uminit pa ang ulo niya. napag-usapan namin yung mga taong nagsalita sa kaniya ng hindi maganda nung wala siya sa room. competitive jbe daw siya. tae! alam ko si pj ang nagsabi nun eh! naikwento ko rin sa kaniya yung UNHOLY ALLIANCE na nabubuo sa loob ng classroom namin. na alam kong maraming sikreto ang tinatago sa isang paraang hindi paghihinalaan. nagkaroon na naman kami ng isang balak para sa isang PERFECT CRIME. matsempuhan lang talaga namin ang pagkakataon. maraming mailalabas tungkol sa bagay na iyon! mainit ang aming mata sa UNHOLY ALLIANCE na yun! we hope for the best na lang na maaccomplish namin itong perfect crime namin.

VIVA VIN Y JONELL.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home