Friday, July 21, 2006

"This COURAGE... DISCOURAGED."

07/21/06,2:30 am
[WARNING: MADRAMA]
nakahanap na ba talaga ako?...ng katapat? yung taong manhid. karma lang ba sa akin ito? o tinuturuan lang ako ng Diyos ng tama kapalit ng mga pagkakamali ko?
para akong ewan sa paghihintay sa kaniya. dumating nga SIYA_ _ _ pero wala akong ginawa.
bakit pa ba SIYA_ _ _ nagpunta....eh....
flashback...
maliwanag pa ang hapon, nakasalubong ko si clara sa kung saan. tinanong ko kung nasaan SIYA_ _ _. ayaw daw magpakita sa akin. "ayaw niya pang magpakita sa akin sa lagay na yun eh halos sa tapat na ng room namin SIYA_ _ _ nagpractice ng sayaw kasama si rovee...eh bakit pa ba SIYA pumunta doon kung ganoon?". "wala lang SIYAng magawa kapag ako na ang nag-aya ," sabi niya. "saka nagpapamiss lang yun". (NAGPAPAMISS?). "kailangan ba talagang gawin yun hah?!?!?".
nakakabigla na parang ewan. ang tanong ko, bakit? bakit? bakit? pero ayos lang sa akin yun. naghintay na lang akong matapos ang practice nila, baka sakaling pumunta uli SIYA _ _ _ sa room namin. nag-gitara ng walang kapaguran sa round table. mga kantang patama sa sarili ko. para akong isang malaking ewan. dumating nga SIYA. pero wala lang, tuloy lang sa pagwawala. ninais kong marinig niya ang mga tinutugtog ko. gusto kong ipahatid sa mga tainga niya ang tinig kong siya ang dahilan ng paglabas. nang uwian na, sinabayan ko SIYA_ _ _ sa paglalakad, kahit hindi niya ako pinapansin. nag-iisang sinabi niya sa akin, "kumusta ka naman?" hanggang makasakay SIYA_ _ _, tanging narinig ko lang ay ang paalam niya. kinausap ko si clara sa jeep. tinanong, "wala ba SIYAng nasaasbi sa sa'yo?. syempre ikaw lang ang lagi niyang kasama eh." . ayaw niyang magsabi sa akin. hindi na raw sinasabi ang ganoong mga bagay. pinilit ko siya, sinabing ayos lang sa akin kahit anuman yun. "kasi, yang si SIYA_ _ _, paiba-iba ng isip yan eh....". "paano mo naman nasabi yan?" . "kasi nung inaya ko SIYA_ _ _, sabi niya, "ayaw ko siya, ayaw ko sa kaniya, eh, hindi naman sa ayaw, basta, ayaw ko lang." napatahimik ako at natulala. "sabi ko na sa'yo eh," sabi ni clara. hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. tama nga yata si sheila...
flashback...
nagkasalubong kami ni sheila, kasama ko si jonell. best of friends na daw talaga kami. nyek. nakita niya yung mga notebooks namin, mas natuwa pa siya. eh kasama niya rin si jules, na nanghihingi ng picture ko. kaya naghalungkat ako. nakita din niya yung pictures ni SIYA_ _ _, nabanggit din niya yung sinabi sa kaniya ni rovee, "si arvin? paaasahin lang SIYA ni SIYA_ _ _". nagulantang ako.....
hindi sapat yung oras ng byahe para makausap ko pa si clara. asa... asa... asa... tablado na ba talaga ako sa kaniya? hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang mga nalaman ko. wala akong magawa kundi buhusan ng alkohol ang utak ko para tuluyang mawala ang mantsang kumapit. hindi ko na rin naisip kung totoo ba ito o hindi. kailangan pa bang ibabad ang utak ko sa alkohol para tuluyan mawala ang mantsang iba naman ang gumawa. nakakawala ng pag-asa. nakakapanghina. nakakadismaya.
nakahanap na nga yata ako ng katapat.....nakakarma na nga siguro ako......at ang nasa taas lamang ang alam kong gumawa nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home